~ Photograph ~

54 8 15
                                    

"I always bring our photographs, for me to remember you anywhere I go, even we are apart from each other"

|:|Trice's POV|:|

River is on his gaming chair. He slouched there while he is staring at the screen of his laptop intently.

Habang nakain at nagk-kwentuhan kami nina Tren at Renz ay nasa labas lamang si kuya River. Nakatingin siya sa malayo at tila may iniisip, just like how he look like now. Si Tren na ang nagboluntaryong maghugas ng mga pinagkainan kaya nagtagal pa sila. Ako naman ay piniling mag-browse nalang sa laptop ko.

"Kuya River, parang ang lalim naman ng iniisip mo, kanina ka pa riyan nakatulala" pag-gising ko sa tila natutulog niyang ulirat.

He looked my way and send me a smile before he look back onto his laptop "May iniisip lang akong mahalagang bagay" pagsagot niya.

I just remembered na isa nga pala siyang writer, of course, iyon ang kanina niya pang pinag-iisipan, maybe he is thinking thoughtfully of what he's going to add at his pending works.

I did not bother him anymore, alam kong kailangan niya pang mag-isip ng mabuti para may maidugtong siya sa ginagawa–-sinusulat niyang istorya.

"I wanted to know you better Mr. Prince" pag-usal niya bigla na dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

"What was that kuya?" parang tanga kong tinanong sa kanya.

"Parang kaninang umaga lang ang tawag mo sa akin Mr. Stranger tapos ngayon kuya na. Tawagin mo nalang akong River dahil huli na talaga na tawagin mo akong kuya at tsaka di naman tayo nagkakalayo sa edad" saad niya sa akin.

I do not know but I kinda think that it is so dumb of me to call him Mr. Stranger when kuya word exist all along. Sa tingin ko tama siya na huli na para tawagin ko siyang kuya.

"You want to know me better?" paguulit ko sa tanong niya. Tumango lang siya "What part of me you wanted to know?" I asked him.

Napatingin siya sa akin "Mr. Prince, hindi ako phedopile, anong what part—what part of me ang sinasabi mo diyan?" pagtatanong niya sa akin.

I look at him dumbfounded "Ang ibig kong sabihin ay anong parte ng buhay ko, hindi ng katawan ko" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Siguro yung pamumuhay mo sa pangangalaga ng mga magulang mo, sa tutal you mentioned that you have had enough with how your family is treatng you" pagsasaad niya.

I sighed and close my laptop, trying to remember everything I could "Mababait naman ang mga magulang ko kaso nasanay na ata sila sa pagiging goody two shoes ko at sa pagiging inosente ko kaya lahat ng desisyon ko sa buhay ay sila na ang gumagawa, lahat ng gusto ko sa buhay ay sinalpak lang nila sa utak ko, sinasabi na iyon ang gusto ko at kung sakali mang may magustuhan akong gawain ay agad nilang tatanggihan at sasabihin sa akin na hindi iyon ang gusto ko, kesyo natuwa lang ako sa bagay na iyon o kaya ay mawawalan agad ako ng interes sa bagay na magugustuhan ko" pagpapaliwanag ko habang nakatingin sa kanya.

Tumango lang siya at naghuni ng tunog. "So bakit ka nagpasya na umalis?" tanong niya sa akin.

"Kasi nakakasakal na wala akong kalayaan sa kanila eh, oo, wala akong alam sa buhay, pero ayon nga ang main reason nang paglalayas ko; wala akong alam sa buhay. Paano ko kakayanin mamuhay mag-isa kung lahat ng kilos ko may mando nila?"

He just nod his head again. Bigla niyang inikot ang upuan niya at tumingin ng malalim sa akin. Ang siko niya ay nakapatong sa arm rest at ang kanyang mga daliri ay nakapulupot sa isa't isa habang tinatago nito ang kanyang bibig "Have you ever fallen in love?" bigla niyang tanong sa akin.

Ano ba namang klaseng segway 'to? From my immature problems to my love life, ang galing ah.

I stared at him for a moment, inaalala lahat ng mga taong minahal ko but what made me think is that bakit niya tinatanong sa akin kung sino na ang mga minahal ko?

Gusto niya ba ako kaya inaasar kami ni Tren at Renz? But I am not into same sex relationship right now, hindi ako outed and it is tiring to decide who should be the dominant and the submissive one. Hindi ba pwede magmahal lang? Kailangan ba talagang may top at may bottom?

I nod my head before looking down "Yes, minsan na akong na in love" pagsagot ko sa kanya.

He nod his head again. He lean into his seat and cross his arms "What makes you fall in love to them?" pagtatanong niya sa akin.

I look at him dumbfounded. Is he straightforwardly asking me to how make me fall in love?

Kahit na ganoon ang pakiramdam ko ay agad ko siyang sinagot ng tapat "Maybe the looks, kung gaano sila kabait sa akin, pagiging maaalalahanin nila and yung mga acts and words of encouragement nila" pagsagot ko sa kanya.

Tumango siya "Did you have sex with them?" he seriously asked me.

At doon na akong tuluyang nagulat at natigilan sa kinauupuan ko. From my immature problems to my love life to my sex life, balak niya ba akong gawing sex slave habang nasa pangangalaga niya ako?

I gulped and look at him nervously "Yes... I had sex with some of them" pagsagot ko sa nakakagulat niyang tanong.

He nod his head again "Ilang buwan kayo nagtagal?" tanong niya.

Napa-isip ako, ilang buwan nga ba... "Three months?" I answered but sounded more like a question.

A lopsided smirk appear on his mouth as he look back to his laptop. He typed something on his keyboard before looking at me.

"You never fall in love, Mr. Prince, kung ganon ang nangyari" he stated.

"Oh River of the gaming chair, give me your wisdom" pagturan ko na akala mo ay nakanta ako ng chant.

He chuckled and look at me with a smile "You never fall in love kung ganoon Mr. Prince, you are just infatuated by their acts and looks, kasi kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo alam ang dahilan bakit mo minamahal yon" pagbanggit niya "And most likely, takot na takot tayo na mawala ang taong mahal natin, we will hold on kahit na sinulid nalang ang kinakapitan natin" dagdag niya bago niya sinara ang laptop niya "Love is something that you will not understand, minsan dumarating agad pero minsan hindi na dumarating, sana maintindihan mo ang pagmamahal habang nandito ka, Mr. Prince" sabi niya.

He stand up and go near me "Inaantok ka na ba?" pagtatanong niya.

I nod my head and hummed. I place my laptop at the table at doon ko lang napansin na isang studio type ang bahay ni River, walang ibang kwarto bukod dito at sa CR.

Wala rin akong makitang kama o kaya kahit mga unan manlang.

He knew my confusion kaya napangiti siya sa akin. I saw him na may inangat siya sa sofa na dahilan nito para maging queen size bed. Sofa-bed pala iyon!!

Lumakad siya papunta sa parang isang stool na couch. Binuksan niya ang upuan non, secret compartment pala!

I was really dumbfounded, pinanonood ko lang siya na mag ayos ng higaan.

The moment he's finished he open a small lamp and turn off the main light na dahilan ng bahagyang pagdilim ng paligid.

I feel that he hold me on my forearm "Tara na Mr. Prince, tulog na tayo" malumanay niyang pagbanggit bago niya ako hinila papunta sa kama na dahilan ng pagkatumba naming dalawa at pagdag-an ko sa kanya.

Niyakap niya ako before he turn his self on the left side, spooning me. "Good night, Mr. Prince" he said before he goes to sleep.

Me and kuya River, sleeping like this? Hindi ko alam kung kaya ko!

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Where stories live. Discover now