≈ Correction Tape ≈

41 7 6
                                    

"What's written by the ink won't be easily erased but with correction tape, we could easily made a fresh start"

[:]River's POV[:]

After namin mag usap ni Rein about my love towards Trice ay umuwi na kami sa kani-kaniya naming bahay.

She told me that it is impossible na maging mag kasintahan sina Trice at Rose dahil may ibang kasintahan na si Rose at sa kadahilanang magkalapit din sila just like us.

I do not know what to tell him, hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat ang pagmamahal ko sa kanya. Maybe we drunk and tell him na mahal ko siya? Kaso baka malimutan niya. Eh kung sulatan ko kaya siya? Kaso aabutin pa ako ng ilang araw non at baka hindi na ako makapagtapat.

I noticed na wala na ang kotse ni Rose roon, patay rin ang ilaw, hapon palang naman kaya walang dahilan para magbukas ng ilaw si Trice.

I enter the house and see na naka bed form ang sofa bed at nakahiga roon si Trice but I am not sure kung tulog siya.

I sighed and place my keys and wallet and phone sa table. I strip my clothes and just took a boxer shorts, siguro sasabayan ko na 'tong matulog si Trice.

Pagkasuot ko sa boxers ko ay napatingin uli ako kay Trice. He's wearing nothing other than boxer shorts. Ang noo niya ay nakakunot pero ang cute niya parin.

Napangiti nanaman ako sa sarili ko, just when did I fell this hard for him?

I stealthily climb to the bed pero I think it is no use kasi bigla siyang humarap sa akin and pull me into a kiss.

I was shocked ng gawin niya iyon. His left hand is pulling my head towards him and his right hand are resting on my abdomen.

I am laying on the bed, frozen on my spot, looking at the ceiling. Talaga bang hinahalikan niya ako? I was taken aback by what he is doing.

He pull away and I look into his eyes and it shows somewhat regret, baka natakot siya ng makita ang reaksyon ko, I should clear it to him, knowing na overthinker siya "I-I'm sorry-" he started stuttering but I cut him off immediately.

"I love you, Mr. Prince" I told him that made him also froze on his spot. Napasinghap siya sa sinabi kong iyon, tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"W-what?" he asked me stuttering. I sat up and look at his eyes.

I smile at him and take my time to just look at him "Mahal kita, Trice" sabi ko sa kanya "Sorry kung hindi ko kaagad sinabi, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon" dagdag ko "dahil ayokong mawala ka sa akin" pagtapos ko bago humiga ulit sa kama at tumingin lang sa kisame.

Humiga rin siya sa kama at tumingin lang din sa kisame "Paano mo nasabi na mahal mo ako?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya "Paano mo ba nasabing mahal mo ako, Trice?" tanong ko sa kanya pabalik.

Ngumiti siya "I do not know, I just feel it" sabi niya sa akin.

I smiled "Ganoon rin ang naramdaman ko, gusto ko na lagi kitang kasama, gusto kitang maprotektahan, gusto ko na sa akin ka lang titinging ng may pagnanasa gusto ko..." I trailed before looking at him "sa bawat araw na magigising ako, ikaw ang unang makikita ko, una kong mararamdaman, unang nagpapa-init sa akin sa malamig na panahon" I added.

Tumingin sa akin si Trice "Paano ba tayo nauwi sa ganito?" pagtatanong niya.

"Kasi dinala tayo ng tadhana sa isa't isa" sabi ko sa kanya "andaming coincidence; kaybigan nating parehas si Tren at Renz tapos magkaybigan rin si Rose at Rein" paliwanag ko "sa relasyon natin, sina Tren at Renz ang naging daan samantala naman sina Rose at Rein ang naging ilaw" dagdag ko.

Napangiti siya bigla "Ang galing lang ng tadhana, alam niyang ikaw ang kailangan ko" sambit niya saka tumingin sa akin.

Napatingin din ako sa kanya "Ganon ka rin sa'kin, hindi ko alam na kailangan pala kita sa buhay ko" sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako at dinukdok ang mukha niya sa dibdib ko. Napahagik-ik naman ako "Wag ka masyadong kumapit sa akin, hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan, baka mabaho pa ako" pagsasabi ko sa kanya.

"Kaylan ka pa ba naging mabaho River? Never naman kitang naamoy na mabaho ka, kahit nga na pinagpapawisan ka pag natutulog tayo ang bango mo parin eh" pagtatapat niya sa akin.

Nagkabaliktad ba kami? Siya nga itong laging mabango "Ikaw kaya ang laging mabango diyan" sambit ko.

"Bakit ba tayo napunta sa amoy natin? Nagtatapat tayo ng pagmamahal sa isa't isa diyaan ka naman napunta" pang aasar niya.

Niyakap ko siya pabalik "Sorry na, pero seryoso, handa ka ba na magmahal?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya "Handa akong magmahal kahit na ignorante pa ako tungkol doon kung matututo ba ako sa pamamagitan mo, wala akong problema doon" sagot niya sa akin.

Ngumiti ako sa sarili ko "Kung ganoon ba... pwedeng maging tayo?" tinanong ko siya.

Tumango uli siya "Will you be my boyfriend?" pagtatanong ko sa kanya.

He look at me and kiss me in my lips "Yes River Dela Costa, I, Trice Zandobal, will be your boyfriend from this day" sabi niya bago pumatong sa akin.

At dito nagsimula ang storya nang pag-iibigan naming dalawa.

Masaya rin pala ang magmahal ng totoo dahil kahit na sa dulo, hindi mo aasahan ang mangyayari sa inyo pero ayos lang hangga't alam naming nagmamahalan kaming dalawa, walang makakapag-hiwalay sa amin kahit pa na distansiya.

Kahit siya ngayo'y nasa America at ako ay nasa Pilipinas.

—Fin—

Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon