𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 3

7.7K 521 486
                                    

RAGRIEL'S

🎶Mugunghwa kkochi piotsseumnida🎶

🎶Mugunghwa kkochi piotsseumnida🎶

"Tol. bilis na malilate na tayo!"

🎶Mugunghwa kkochi piotsseumnida🎶

🎶Mugunghwa kkochi piotsseumnida🎶

"Tol! ano na naman ba yang kinakanta mo!"

"AY PWET EUMNIDA!"

Napatalon at namatay ako sa gulat.

Kaya wala na po. Umuwi na kayo. Tapos na ang kwento.

"Ulan naman! ano nigagawa mo jan sa bintana! mukha ka tuloy recess! nagbibihis ako eh"

"Sus as if namang may makikita ako bukod jan sa jun jun mo! eh flat ka naman! tyaka anong recess?"

"Kita mo na, recess ka na nga, bobo ka pa Ulan"

Napapailing ako.

Bobo talaga sa iglis lahat ng nasa paligid ko.

Ako lang yata talaga matalino sa kanilang lahat eh. tsk. tsk.

Ang hirap pong maging matalino sa totoo lang, lalo na't saksakan ng bobo sa iglis ang nakakasalamuha mo.

Hindi ba nila napag-aralan "prapir bird agrimint" sa skul nila kaya hindi sila makasabay sa iglis ko?

"Ako recess? pano ako naging recess eh sa mga breaktime lang yun"

"RECESS. NIGAGAHASA. Bobo mo talaga Ulan. Nibabalik nalang kaya kita sa magulang mo? yoko na sayo. Matagal na tayong magkasama hindi ka parin marunong mag iglis. Pinapahiya moko."

Apat na taon palang sya tinutorture ko na sya mag iglis para hindi sya ma out of balance sa mga nag-iiglis na mayayaman pero anong nangyare? hanggang ngayon na matanda na saya hindi parin sya marunong!

Iniinsulto nya talaga ako! He's resulting me!

Nagpakahirap akong itorture sya tapos recess lang hindi nya pa maintindihan?!

"HAHAHHAHA baka RAPIST tol! hindi RECESS!"

"Rapist? diba panulat yun?"

"Ha? ano na namang panulat?"

"Lapis."

Nakita ko syang napapikit at napabuntong hininga ng malalim.

Yung para bang sawang sawa na syang kausap ako pero pinipilit nya lang dahil ang cute ko?

"Tol, ayoko na makipagtalo. Sige, recess na kung recess, lapis na kung lapis, basta ang mahalaga, bilisan mo na dyan dahil 2:30 pm ang interview natin. Bawal tayong malate dahil baka hindi tayo matanggap"

Ayy oo nga pala.

May interview pala kami ngayon kaya naligo ulit ako dahil gusto kong maging refresher sa unang interview ko.

𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐌𝐌𝐎𝐑𝐓𝐀𝐋𝐒 (GXG)(INTERSEX) Series 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora