𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 50

9.5K 556 168
                                    

IT'S quarter to eleven when they finished talking and revealing about the past. Simula din nang gabing yun ay nagbago lalo ang tingin ni Steve kay Ragriel at mas lalo pa itong nirespeto sa pagkakaroon nito ng malinis at bukal na puso.

Pero bukod dun ay napagtanto din sya. Yun ay-

"Bayaw! hey! stop denying it I now know it was you"

Umalingawngaw ang boses na 'yan ni Steve sa buong mansion habang habol ang hiningang sinusundan si Ragriel. Matangkad naman sila pareho pero higit na malalaki lang talaga ang hakbang nito kumpara sa kanya.

"Bayaw please stop"

Hinihingal nitong wika. Sa sobrang laki kasi ng mansyon ay kung saan-saan na sila nakarating.

Nakahinga naman sya ng maluwag nang tuluyan na itong huminto at nilingon sya. Dali-dali syang lumapit rito at doon nya lamang napansin na nakarating na pala sila sa lokasyon kung nasaan naroroon ang napakalalim at napakalaki nilang swimming pool.

"Woh! how come you're still fast without using your vampire speed? that was tyring!"Ungot nito na akala mo'y dalawang bundok at ilog ang tinawid.

"Sino ba kasing nagsabi sayong sundan mo ako?

"I just want to confirm something but you keep denying it." Hahakbang na sana ito ulit palayo sa kanya pero mabilis nya itong nahawakan. "Hey, hey, bayaw naman walang ganyanan pagod na pagod na ako"

Napabuntong hininga muna ito at sinulyapan syang muli bago umupo sa isa mga lounge chair na nasa gilid nito. Agad din naman syang tumabi rito pero ilang minuto din silang kinain ng katahimikan bago sya nagsalita ulit.

"How did you manage to endure all those things?"Mahina nyang tanong na halos hindi na lumabas sa bibig nya.

"Ang alin?"Nalilito nitong tanong na animo'y hindi alam kung ano ang pinupunto ng kausap.

"All the stuffering you've been through.. simula pa nung bata pa si Alexandra?" Mabilis itong napaiwas ng tingin at tumingala nalang sa mga bituin. "You've been through too much bayaw.. and the kind of treatment Alexandra's giving you is unacceptable. You don't deserve all of this."

"Nagkakamali ka. Nararapat lang sa akin ang lahat ng 'to. Parusa ang lahat ng 'to sa mga nagawa kong hindi kaaya-aya sa mata ng Diyos at sa mata ng ninoman"

"No you're

"May mga buhay din sila. May mga pamilya, magulang, asawa, at mga anak. Pero inalis ko ang mga yun dahil lang sa may ginawa silang hindi maganda"

"They're murderers! all of them. They deserve all of that!"

"So am I. Wala akong pinagkaiba sa kanil—teka" Nagtataka sya nitong tinitigan na may nangungunot na noo."Paano.. paano mo nalaman

"Nicolas told me kanina lang before we talked about that bastard Clinton. He said all of them are murderers and rapists. He also told me that you didn't actually killed all of them. You just made them paralyzed for 20 years of their lives as a punishment at yung mga taong pinagtripan ako that night you saved me? they're just under the influence of your ability"

𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐌𝐌𝐎𝐑𝐓𝐀𝐋𝐒 (GXG)(INTERSEX) Series 1Where stories live. Discover now