𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 7

6.9K 524 91
                                    

SOMEONE'S POV

KINGDOM OF NARVA

"Anong mayroon at nagkakagulo ang lahat aking kaibigan?"

Naguguluhang tanong ng isang lalaki sa kanyang matalik na kaibigan at kanyang kapwa kawal.

"Ang hari! lubos na naman syang napupoot sapagkat bumalik na naman ang sakit ng prinsesa!"

Nagpapanic na sagot ng kaibigan at mababakas dito ang sobra sobrang pagkabahala dahil sa kaguluhang nagaganap.

"Paano nangyare iyon aking kapatid gayong kahapon lang ay maayos na ang prinsesa?"

"Ako nga rin ay lubos ding nagtataka ngunit mayroong agam agam na kumakalat sa buong palasyo na ang manggagamot na nakuha ng ating hari ay isa lamang impostor"

"Impostor? sabi ko na nga ba. Noon pa man ay pilit ko ng ipinapabatid sa hari na isang mapagpanggap lamang ang nakuha nyang manggagamot para sa anak na prinsesa subalit ayaw nya sa aking makinig sa kadahilanang isa lamang akong kawal dito sa kanyang kahiraan"

"Paano iyan aking kapatid? mukhang tama talaga ang iyong sinabi sapagkat ang pahayag ng punong ministro ay mas lalong lumalala ang kalagayan ng mahal na prinsesa"

"Wala na tayong magagawa sa suliraning iyan aking kapatid marahil nangyare na at wala na tayong kakayahang maibalik pa ito. Ang kailangan natin ngayon ay kumbinsihin ang hari na hanapin ang totoong manggamot."

"Pagamat paano natin gagawin iyan? ang hari ay kasalukuyang nagpupuyos galit sa kinahantungan ng kanyang mahal na mahal na anak at isa pa, sino ang maggagamot ang iyong tinutukoy noon pa man? hanggang ngayon ay hindi mo parin sa akin sinasabi kung sino ang nilalang na iyon"

Buhat sa tanong na iyon ng kaibigan ay napaisip sya. Totoo ngang hanggang ngayon ay hindi nya parin nasasabi kung sino ang manggamot na sinasabi nya kahit lagi nya itong nababanggit.

At dahil malalim na ang pinagsamahan nilang dalawa simula pa noong sila'y baguhan pa lamang na kawal ay napagisip-isip nyang tama lang siguro na malaman ito ng kanyang matalik na kaibigan.

"Ito'y sa atin atin lamang at hiling ko'y wala ng ibang makakaalam bagamat napakaimportante ng aking ipagtatapat sa iyo"

Saad nya sa kaibigan bago ito hilahin sa lugar kung saan siguradong walang makakarinig sa paguusapan nila.

"Makakaasa ka aking kaibigan. Mahigit isang daan at siyamnapung taon na tayong magkaibigan kaya nakakasiguro kang maaasahan mo ako pagdating dito"

Sinserong usal ng kaibigan kaya napatango tango sya.

"Sige na kaibigan, simulan mo na habang hindi pa tayo pinapatawag ng punong kawal para pahirapan na naman"

Bago simulan ang kwento ay umupo muna sila sa damuhan para agad nilang mapapansin kapag merong biglang sumulpot na kapwa kawal para isumbong sila sa punong kawal dahil mahigpit na ipinagbabawal ang anumang sasabihin nya sa kaibigan.

"Noong 1421 ng meyerkules, ako'y limampu't walong taong gulang ay naglakbay kami ng aking ama upang mangaso. Lakad lamang kami ng lakad hanggang sa napansin naming naliligaw na kami. Pabalik balik nalang kasi ang nakikita namin at mukhang nadaanan na namin ang lugar na iyon na dinaanan namin ng limang beses. Hindi namin lubos maisip naang haba at ang layo na pala ng aming nilakbay na nagresulta ng aming pagkaligaw."

𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐌𝐌𝐎𝐑𝐓𝐀𝐋𝐒 (GXG)(INTERSEX) Series 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ