"Sᴀʟɪᴡ"
Muling lilibangin ang sarili
mapawi lang ang pighati
igagawad ay pilit na ngiti
makita lang nila na wala na ang dalumhatiIpipikit ang mga mata
habang dinarama
ang saliw ng musika
na nagaalis ng pangamba sa pusong nagdurusaSasabay sa himig ng kanta
makuha lang ang tamang timpla
mabura lang ang pangamba
na sapuso ay nakabaraMuliy magpapanggap
Sabay tingin sa alapaap
At sa inyo ay ihaharap
ang ako na naghihirapSa saliw ng paglalakbay
akoy nasabay
upang magkaroon ng kulay
ang buhay kong unti unti ng namamatay~𝚁𝚒𝚊𝚗
YOU ARE READING
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
Poetry𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐭𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐒𝐚 𝐥𝐮�...