PAGLALAHO

50 58 0
                                    

  Unti unti! unti unti  kung nararamdaman
ang mga agam agam sa aking isipan
Nagtatanong, nangangamba kung ano nga ba ang patutunguhan?
Naliligaw,naliligaw sa sariling mundo na ang mismong may gawa ay ang sarili ko
  Sarili ko, na kunti nalang ay maglalaho
kasabay ng hawak na pluma na ang tinta ay unti unti ng nawawala, nauubusan ng bala upang kumatha ng akda.
Akdang nagsilbing pagasa na ngayon ay unti unti ng nabubura, tulad ko na sa pagdaan pa ng araw habang tangan tangan ang plumang naghihingalo ay pagkawala ng pagasa ko na manatili sa mundo,
Mundong nagsilbing tahanan ko, na siya ring nagpaguho sa kasiyahan ko, at ngayon nadarama kona ang paglalaho ng mithiing maging masaya paglalaho, oo paglalaho ng aking sandata upang kumatha ng akda, Paglalaho sa kalungkutang nadarama ko pero paano? kung maski ako di magawang ibalik ito, Marahil naglaho narin, naglaho narin ang katiting na pinanghahawakan ko upang bumalik sa ritmo ng buhay ko.
Buhay ko na alam kung nabubura na sa mundong ginagalawan ko, na maski ang hilig ko sa mga bagay bagay ay binura na ng lungkot at pangamba,
Pangamba na baka kapag ako'y muling kumatha ay maubos muli ang aking tinta, Pangamba na baka sa sunod ang ako ay muling maiwang magisa, Pangamba na ng dahil sa tinatahak ko ay sumidhi muli ang kawalan ko ng pagasa, at pangamba na Unti unti akong maupos tulad ng kandilang unti unting nauubos.
Ang buhay ko ay parang pluma na tangan ko
sa bawat paglapat nito sa papel ay siyang pagunti ng tinta nito, ang buhay ko na animoy perpekto Pero sa bawat Saliw nito sa mundo ay ang unti unti nitong paglalaho.........

~RianAino

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Where stories live. Discover now