Naaalala mo paba ang panahong tayo ay kay saya?
panahong ang ikaw at ako ay na ngakong hanggang dulo ay magsasama
Yung tipong mapahirap o ginhawa ay haharapin nating dalawa
Basta ang meron ay ang isa't isaMarahil iyon ay limot mona
sapagkat sayong alaala ito'y burado na
Oo tayo paring dalawa
subalit bakit pinaparamdam mo sakin na tayo ay wakas naAkala mo ba ay diko nahahalata
panlalamig mo sakin ay damang dama
Sa tingin mo ba ako ay tanga
Para Hindi ko makita na ang ikaw at ako ay hindi na tulad ng dati paOo hindi na tayo tulad ng dati
puno ng saya at umiibig sa isat isa
Sapagkat ngayon ang ikaw at ako ay mistulang lapis sa papel na unti unting binuburaNakakatwang isipin Diba
Ang akala kong fairy tail nating dalawa
Ay hahantong ata sa tinatawag na tragic Ending ng ibaIto naba ang wakas ng ikaw at ako
Dahil Hindi na tayo tulad ng dati dito sa mundong to
o lalaban pa ba ang ako
makamit lang ang happy ending na ating gustoPero paano naman ito
ako lang ba ang lalaban sa bagay na alam kung talo ako
habang ikaw nanlalamig na sa tulad ko
marahil limutin ka ang siyang sagot dito
upang kahit papaano maibsan sakit yaring sa puso
Kaya aking Ginoo
Paalam na sa mundo na ating binuo sapagkat ang dating tayo ay unti unti ng naglalaho.----------------------------
~RianAino
![](https://img.wattpad.com/cover/290346473-288-k232731.jpg)
YOU ARE READING
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
Poetry𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐭𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐒𝐚 𝐥𝐮�...