PAMUMUKADKAD

53 61 0
                                    

   Tangan ang Plumang ilalapat
sa Papel ay isusulat
Katagang nararapat
sa Dilag na Tapat

Pamumukadkad Yaring bulaklak sa hardin
Tulad ng dalagang taimtim kung manalangin
Ganda niya'y kapansinpansin
Mistulang isang Sining

Pamumukadkad ng kaniyang Ganda
Ay sadyang kahalihalina
Animo'y isang dyosa
Bumaba at pinagpala

Ngiti niyang kay tamis
wala itong kawangis
dulot ay pagpawi ng hinagpis
Sa mga pusong nagtatangis

•••••••


➪𝐃𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐓𝐨: Corine Cometa Color

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Where stories live. Discover now