MATA

51 60 0
                                    

Pilit kung iniiwasan
Mga tingin ng karamihan
Kung saan saang daan dumaan
Waglamang masaktan

Subalit tila nga mapagbiro si tadhana
Kahit anong iwas doon parin ako dinadala
Sa lugar na pagdurusa lamang ang aking nadarama

Saan ngaba ang aking tutunguhin
Kung sa bawat lugar na aking lalandasin
Mga matang mapanghusga ang sa isip ko ay dumidiin

Mga Mata na nagpapakita na ako ay walang kwenta
Mata na kakakitaan ng panghuhusga
Sabagay ano ngaba ang aking halaga
Isa lamang naman akong hamak na basura

Madami ngang tao ang gusto akong mawala
Kaya nga pagluha lang ang tanging  nagagawa
Pagod na kase akong lumaban pa
Sa mundong pinuno ang puso ko ng Pagdurusa

Nakakatawa nga
Kita ko naman na wala akong halaga sa iba
Subalit sarili ko ay pinipilit sa kanila
Mukha na tulo'y akong Tang*
Sa kakaasang magiging kaisa ko sila

Kita naman ng aking mga mata
Subalit Para akong Bulag na walang makita
At heto ngayon nagpapanggap na naman na masaya
Kahit ang totoo gusto ko nalang mawala

Pagod na ang mata ko
Pagod na itong lumuha
Pagod na itong makita na kahit anong gawin ko ako'y balewala
Pagod na itong makita ang tingin ng iba.

Siguro kung mawawala ako
Diko na kaylangan ipagsiksikan sarili ko
At diko na mararamdamang Option lang ako
Kase kahit anong gawin ko
Bale wala lang ako.

••••

~RianAino

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon