RIAN

68 72 7
                                    

[R]ian isang dalagang namulat sa katotohanan---Subalit mas piniling magpasakop sa kasinungalingan
[I]Isipan niya'y palaging nagugulumihanan
[A]ng mata niya'y palaging luhaan
[N]gunit mas pinili niyang tahakin ang landas patungo sa karunungan---at magpatianod san man dalhin ng kapalaran

[A]t sa hindi nga inaasahan ay aking nasaksihan ang mga taong tanggap ang aking katauhan--- subalit sa aking galak ako'y naguluhan,
[I]niisip ko parin kung hanggang kailan, malalagyan ng katapusan ang kwentong aking sinimulan, Ang mundong  tanging ako lang ang nakakaalam sa tunay kung katauhan at sa'king nararamdaman.
[N]aisin ko man itong wakasan subalit may nais pa akong ilahad patungkol sa aking katauhan
[O]o isa akong dalaga na mahina at palaging talunan subalit kaya kung sumabay sa anumang laban.

[I]sang tula ang aking kinatha
[M]istulang mahabang piyesa
[B]atid ay mga salita'ng sakin ay nagpapakilala
[E]wan ko ba subalit lahat ng kataga at puno ng pighati't pagdurusa.
[R]ian apat na letra isang salita, pangalan ng isang dalaga na ngayon ay tahimik na lumuluha.

Madami ang nagsasabing isa akong talunan
Babaeng walang ginawa kundi magpasakop sa kadiliman
Kaya madaming tao ang nais daw na ako ay iwanan
Dito sa mundong puno ng kadiliman

Ngayon nga ay aking ng tatapusin ang kaalaman tungkol sa sarili ko
At patuloy nalang akong mananatili dito,
Dito sa Espesyal na mundo, Mundong naging Sandigan at takbuhan ko makatakas lamang sa katotohanang kay gulo,
At heto na nga ako isang dalagang puno ng pagkabigo, dina alam saan ba ang tungo subalit ang alam ko Rian ang ngalan ko.

𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀 حيث تعيش القصص. اكتشف الآن