DAPAT KAPA BANG MAHALIN?
Naranasan mo nabang magmahal?
Magmahal ng higit pa sa sino man?
o Naranasan mo nabang itanong sa iyong isip Dapat kapa bang mahalin?
Dapat kapa bang mahalin kung sa bawat pagdaan ng araw sa puso ko sakit ay tumitiim?
dapat kapa bang mahalin kung ako nalang ang kumakapit sa kamay mong pilit inaabot subalit patuloy itong nililihis at sa iba! Sa iba ito ay iyong idinikit habang ako ito nagkasabit sabit ang pusong nabalot ng tinik.
Minsan sinambit mo sakin salitang patawad bigyan mo ako ng secondchance subalit isang tanong sa aking isip ang sumilid, oo isang tanong lang yun ay ang katanungang Dapat paba kitang mahalin?
kung ang puso ko ay tinali mo sa tibig dahil ako'y dimo iniibig sapagkat dyan sa mata mo
sa mata mo akoy laruan na pwedeng itapon matapos pagsawaan.
alam mo ang nakakatawa sa senaryo nating dalawa minahal kita subalit mahal mo pala ay iba. pinaglaruan pala ang puso kong umaasa sa tulad mong paasa at ngyon hihingi ka ng ikalawang pagkakataon sapagkat nagsisisi ka? hindi ako sira hindi ako baliw upang sa iyo ay muling magpaalipin, Kaya ang tanong kung dapat paba kitang mahalin ay aking ng sasagutin.
Hindi na kita dapat mahalin dahil ang puso koy nabalot na ng dilim dahil sa pagibig mong balimbing, kaya ikaw na aking minsang naging mangingibig
itigil mo na sapagkat ang ikaw at ako ay nagwakas na at ang katanungang sinasambit wawakasan sa salitang Paalam dina ikaw ang aking minamahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/290346473-288-k232731.jpg)
DU LIEST GERADE
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
Poesie𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐭𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐒𝐚 𝐥𝐮�...