Malaya kana sapagkat ikaw ay bibitawan na
Lilimutan ka at Tatalikdan ang meron sa ating dalawa
Lilisan sa lugar kung saan naroon ka
Upang sakit sa puso ay diko na muling madama.
Madama ang mga araw na tila ba nanlalamig kana
mga araw na ako nalang ang lumalaban sa ating dalawa at ikaw oo ikaw nasaan ka? Nagpapakasaya sa Iba habang ako eto pinipilit mabuo ang relasyon nating nabigo dahil sa pagbabago ng ikaw at ako.
Kaya ngayon Malaya kana, Hindi na kita hahabulin pa, dina kita kukulitin pa at wala ng Babati sayo tuwing umaga upang ipaalala na magiingat ka at wala na, wala ng ako ang siyang magsasabi sayo ng mga katagang mahal kita sapagkat ngayon palang ay tatapusin ko na ang sinimulan nating dalawa na magkasama na di manlang umabot sa Salitang Papakasalan kita, sapagkat pagod na akong lumaban pa sa relasyong sinira, sinira ng iba sapagkat don ka mas naging masaya at nakalinutan mong may ako pala na sayo ay nagmamahal at umaasa na hahantong tayo sa tinatawag na happy ending ng iba.Kaya ngayon na malaya kana
Lulubusin kona
Mahal kita
Pero paalam na
Paalam sa mga araw na sinimulan natin na kaysaya
Paalam sa mga ala ala na minsan ako sayo ay naging masaya
Paalam sa mga araw na magkahawak ang ating mga kamay na ngayon ay bibutawan kona
Paalam sa mga tawa nating dalawa na napalitan ng pasakit at pagdurusa
Palaam na sa ikaw at ako na ngayon ay mahihinto na sa isang pahina na kung saan sa sunod na pagbubukas nito ay wala kana sapagkat malaya kana.
Malaya kana sa tulad kong minahal ka ng sobra
Malaya kana kaya't magagawa mona
Ang lahat ng nais mo
Kahit masaktan ang tulad ko.~𝑹𝒊𝒂𝒏𝑨𝒊𝒏𝒐
𝑫𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐: 𝑨𝒈𝒂𝒕𝒉𝒂
BINABASA MO ANG
𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀
Poetry𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐭𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐭 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐥𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐭𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 𝐒𝐚 𝐥𝐮�...