SIMULA

55.4K 1K 103
                                    

KARINA

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin sa paglabas ko ng aming bahay buti n lang ay naka suot ako ng dyaket kaya hindi ako masyadong nilalamig. Wala pa si Mama kaya naisipan kung bumili muna ng tsokolate sa mini store sa kabilang dako ng eskeneta dahil nag k-crave ako nito.

Mabilis akong pumasok sa loob ng store. "Magandang Gabi Ma'am" nginitian ko ang guard at bumati pabalik dito... napanguso ako ng maramdaman ang lamig dito sa loob malamang malamig talaga dito dahil may aircon nga diba? Tanga ko pshh.

Matapos kong bilhin ang mga gusto ko ay binayaran ko na ito sa counter at agad na nilisan ang lugar. Bitbit ang Isang supot na plastic ay naglakad ako pauwi. Napadako ang tingin ko sa relo na nasa kanang kamay ko...8pm na pala baka naka uwi na si Mama o baka naman ay nag overtime ito sa trabaho. Ilang ulit ko na itong sinabihan na huwag magpa kalunod sa trabaho ay hindi ito nakikinig, gusto niyang bigyan ako ng magandang kinabukasan kaya nagsumikap siya mula noong bawiin sa amin si Papa. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko sa isipang iyon kaya naman ay iniwaglit ko na lamang ito at binilisan pa ang paglalakad dahil madilim na ang daan.

"Arrgghh p-parang a-wa n-yo n-a...s-pare my l-life plss- arghhh!!!"

Nanlaki ang mata ko at biglaang napahinto. Ano 'yun? M-multo ba 'yun? Wala naman sigurong masasamang elemento dito sa eskeneta.

" Ano boss papatayin na ba ito?"

"Mas magandang tuluyan na ito boss walang kwenta ang traydor na ito!"

Napatakip ako saking bibig nang marinig ko sunod sunod na boses na iyon. Mabilis akong nag tago sa Isang malaking puno na nahintuan ko upang hindi nila ako makita. Parang kabayong kumakabog ang dibdib ko sa kaba, alam ko kung anong ginagawa nila base narin sa narinig ko. Sumilip ako sa pinagtataguan ko at tama nga ang hinala ko. Kitang-Kita  ko ang isang grupo ng mga taong nakaitim na may dalang mga baril habang pinapalibutan nila ang isang lalaking naka business suit na nakaluhod sa simentadong kalye habang puno ito ng pasa at dumadaloy ang dugo nito sa mukha. Hindi ko alam kong ano ang gagawin aking gagawin, kung tatawag ba ako ng pulis o hindi? Kung bakit ba naman kasi ang malas ko sa gabing ito. Hindi naman pwedeng basta nalang akong aalis dito makokonsensya pa ako.


"Per favore, signor Armani, mi risparmi la vita. Mi pento di averti tradito!" (Please, Mr. Armani, spare my life. I regret betraying you! ) rinig kong nagmamakaawang sigaw nito.

"Chiudi il becco! Uccidi quel fottuto bastardo! e pulire il disordine!"(Shut up! Kill that fucking bastard! And clean up the mess!)


Napaigtad ako ng marinig ang malamig at ma-uturidad na boses na iyon.

Napatingin ako sa taong iyon mas domuble ang kaba sa aking dibdib dahil sa awra nito. Alam ko na sa oras na ito na nanganganib ang buhay ko hindi ito basta basta. Ramdam kong malaking tao itong kinalaban ng lalaking nakaluhod. Hindi ko man maintindihan ang sinasabe niya pero alam kung hindi maganda iyon.

Pigil hininga ako nang kalabitin ng dalawang kasamahan nila ang gatilyo ng kanilang baril at itinutok ito sa lalaking nakaluhod at pilit na nagmamakaawa.

"No!No! Plss spare my life- Ackkk!" Napatakip ako saking bibig muntik na akong mapasigaw sa nasaksihan. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagtago ng biglang lumingon sa gawi ko ang lalaking tinatawag nilang Boss. That face!


Familiar ang mukha n-niya pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. Wala na akong sinayang na oras at mabilis kong iniapak ang paa ko sa lupa at tumakbo ng matulin dahil ramdam kong may papalapit sa gawi ko. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa lugar na iyon...muntik ko pang mabitawan ang plastik na dala.



"Ma!" Hingal na hingal akong huminto sa harap ng bahay namin sakto namang dumating si Mama.


" O, anak ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo at ganyan ang hitsura mo tumakbo kaba? Gabi na Karina ba't lumabas ka pa?" Kunot noong salubong nito.




"Ha- ah wa-la Ma, may binili lang ako at nag jog-ging ako pauwi pa-ra ano exercise naman ng konti hihi" pilit na ngiting aniya ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nakita ko baka mapahamak pa si Mama ayokong mawala siya.

"Hay naku, ikaw talaga o sya sige halikana sa loob at nang makakain na Tayo...teka kuman kana ba?"



" Tapos na po akong kumain ma, nagluto po ako ng sinigang baboy may marami pang natira kumain ka na diyan Ma, alam kung pagod po kayo sa trabaho buti nalang hindi kayo nag overtime." Aniya ko dito sabay bukas ng ref at doon ko inilagay ang chocolate at iba pang binili ko buti na lamang ay hindi ko ito na bitawan habang tumatakbo kanina.



"Oo Nak hindi na ako nag overtime pa dahil sobrang inaantok na ako... gusto kung matulog ng maaga baka bukas na lang ako mag overtime sa trabaho."





"Ma naman wag ho kayong magpapagod pa baka ay mapano kayo ayokong magkasakit kayo Ma...sabi ko naman sa inyo na ako nalang ang maghahanap ng trabaho para satin." Angil ko.



"Anak hindi pwede yun, kailangan mong makapag tapos sa pag-aaral. Gusto kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan Karina."


"Pero Ma-


"Walang pero pero Karina mag-aral ka ng mabuti at ako na ang bahala sa gastusin,"  pinal na saad nito kaya napa buntong hininga na lamang ako't ibinigay sa kanya ang pagkain.




"Okay Ma, sa kwarto na ako matutulog na ako...maaga pa kasi ang pasok ko bukas." Lumapit ako dito at humalik sa pisngi nito



"Goodnight Ma,"




"Goodnight din Nak, matulog ka ng mahimbing,"



Napahawak ako sa aking dibdib pagkapasok ko sa aking silid, hindi parin nawawala ang kaba. Ramdam ko parin ang malamig na titig nito kanina hindi ko alam kung nakita ba niya ako o hindi.



Wala sa sariling tinampal ko ang mukha...sana hindi na lang ako lumabas kanina! Pero anong magagawa ko tapos na eh nasaksihan ko na ang krimen na'yun!



Ang kinababahala ko ay ang masundan nila ako at naawa din naman ako sa lalaking pinatay nila mukhang pamilyado kasi.


Paano kaya nila nakayanang pumatay
ng tao. Hindi ba sila binabangungot niyan. Hindi ko ata masikmurang pumatay ng tao inosente man o hindi!

Paikot-ikot ako saking higaan nahihirapan akong matulog sa isipang nakasaksi ako ng Isang krimen ngunit hindi man lang ako timawag ng tulong sa takot na baka patayin din ako ng mga armadong taong iyon.

____

"Boss, hindi ba namin hahabulin ang taong iyon? Nakita niya ang ginawa natin!" Inis na mungkahi ng Isang tauhan niya nang hinayaan lamang niyang makatakas ang mapangahas na taong nakasaksi sa kanilang ginawa.


" Don't fucking command me bastard if you don't want to lose that head of yours!" Matigas nitong bigkas at pinukolan ng malamig na titig ang mga tauhan n napapalunok na lamang.

"Do not touch her! That's my fvcking order! she's mine!" Aniya.



"Pero boss hindi mo naman kilala ang babaeng 'yon, tsyaka pwede naman natin siyang pakinabangan at paglaruan—"


Bangggg!!





Isang putok ang umalingawngaw sa paligid kasabay noon ang pag bagsak nito sa simentadong kalye. Sapol ito sa noo at tanging pananahimik na lamang ang nagawa ng ibang kasamahan.



" Try to defy me at hindi lang 'yan ang aabutin niyo! Always fvcking remember it!" Matigas nitong asik. Pagkatapos ay tumalikod na ito habang ang mga tauhan naman ay walang nagawa kundi panuorin ang kasamahang wala ng buhay. Alam nilang halimaw magalit ang kanilang boss ngunit sinasagad parin ng kasamahan nila kaya naman ay tingin nilay bagay lang dito ang nangyari dahil masyado itong paki-alamero sa mga desisyon ng kanilang boss. Pero lahat sila ay napapaisip kung sino at bakit hinayaan nitong makatakas ang taong nakasaksi sa kanila.






© BINIBING ARAW

to be continued...

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon