OBSESSION 6

26K 541 12
                                    

Deja Vu.


KARINA

ISANG katok ang pumukaw sa natutulog kong diwa. Gumulog ako sa kabilang side ng higaan dahil wala akong ganang bumangon. Pero agad din akong napa balikwas nang maalala ang nangyari kagabi... biglang ay namula ang mukha ko. Napahilamos ako saking mukha sa isipang iyon.



Para akong tanga kagabi. That jerk! Ang lakas ng trip niya kagabi. Walangya!


"Anak, bangon na diyan may pasok ka pa." agad akong napatayo sa pagkatok ni Mama sa labas ng silid. "Opo Ma, maliligo lang ako," I answered at agad na pumasok sa banyo.



Habang naliligo ay napatingin ako saking labi mula sa salamin. Hindi na ito masakit pero bakas parin ang konting pula at sugat dito. At ang palapulsuhan ko namn ay pinapasalamat ko na hindi ito namula pero panaginip ko lang ba iyong kagabi, iyong paggamot niya sakin. Hindi naman siguro niya iyon gagawin wala yatang pagaalala ang hitsura ng mukhang iyon puro lang hambog at pananakot. Mayayaman talaga.


" Ano na guys, may naisip na ba kayo para sa gagawing thesis natin?"



"Oo nga, Sabi ni ma'am next day kailangan tayo mag pasa ng research title natin para ma check niya kung okay na ba,"



"Karina, may suggestions kaba?"


"Karina?"


"Ahem frieny?"


Wala sa sariling napatingin ako sa kanila.  Nawala na naman ako sa sarili.

"Ahmm, ano yun?" I awkwardly asked.

" Ang sabi nila, may suggestions ka ba daw for research title natin," tinaasan ako ng kilay nito at napanguso na lang ako. Alam kong nagdududa na si Zane sa mga kinikilos ko. Iwan ko ba Hindi ko mapigilang mag-isip Ng kung anu-ano.


Bumuntong hininga ako at binuksan ang bag ako at kinuha doon ang malaking string notebook at binuksan ito.


" Ayan, may ginawa na akong research title, actually lima yan kaya kayo na ang mag desisyon kong saan diyan ang ipapasa natin," lintaya ko.



" Wow, sana all talaga no matalino, Lima agad-agad," namamanghang aniya ni Khloe, Isa sa ka grupo namin. Lima kaming lahat, ako si Zane, Khloe, Pamela, and Clark. And yes Isa lang ang lalaki sa amin.



"Mas maganda itong about modern technologies, mas issue siya sa panahon ngayon," Clark suggested. Buti na lang hindi siya nahihiya sa amin.


"Yeah I agree!" Pamela cheerfully raised her hand.


" Pero baka may makapareho tayo, you know..." may point rin naman si Zane. Hindi maiiwasang may makapareho ng topic baka magaaway away pa.



"Yeah, pero depende sa mauuna diba," Khloe smirked while holding the book.


" Ahmm yeah, ipapasa na lang natin iyan, sa mauna na lang pero if magkagipitan may reserba naman Tayo," lintaya ko na kina agree naman nila.



Ilang minuto pa kaming nag uusap usap patungkol doon. At mabuti na lamang ay walang balakid sa grupo namin, active sila at nakikinig sa bawat suggestions ng iba. Iyan ang gusto ko e nagkakaisa and the best is brain storming.



" Matanong ko lang bakit my thesis Tayo nagyon e diba first year pa lang Tayo?" takang tanong ni Pamela. Iyan rin tanong ko e.



" Ganito talaga dito, gusto nilang may thesis ang mga first year para daw maging handa at may alam na at isa pa konektado naman ito sa lesson natin." paliwanag naman ni Clark.



HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon