OBSESSION 27

16.1K 470 65
                                    


Happy Birthday.
◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈


Mabilis dumaan ang mga araw at ngayon sana magaganap ang surpresa ko pero  nag iba ang lahat. Sa Gabi ay nahihirapan ako sa pagtulog palagi akong nag o-overthink alam ko namang hindi pwede pero iniisip ko parin siya lalo na iyung mga masasayang araw namin. Hindi ako nagsisi sa lahat, nanghinayang at nasaktan Oo, hindi naman siguro iyun mapigilan Lalo na at natuto na akong mahalin siya.

Iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa nila? Iiwasan kung mangalap ng balita dito. Nabigla pa nga ako noong paguwi ko pagkatapos akong ihatid ni Diego ay naabutan ko ang dalawang kaibigan ni Hadrian sa loob ng bahay pinapasok pala sila ni Mama. Wala namang nangyari kinamusta lang ako ni Haru at Alston. Haru pala ang pangalan nung mukhang insik na half Japanese pala. Nagpakilala sila sakin at humingi ng despensa sa ginawa ng kaibigan kahit wala namang silang kasalanan. Pero laman parin sa isip ko ang huling sinabi nito.

" Just trust him Karina, everything will be fine,"

Hindi na lang ako nagsalita sa tugon nito at ngumiti lang sa mga ito. Iwan ko ba sa dalawang yun napaka weird umakbay pa sakin at kinunan kami ng litrato ewan ko na lang kung anong hitsura ko dun. Mabait naman sila e kaso minsan nakakatakot ang awra nila iniisip ko nga baka agent trabaho ng mga ito dahil parang ganun ang style nila ang gagara ng motor.

Naging close ko ang dalawa. Feeling ko pumunta sila dito para pagaanin ang loob ko. Gusto ko sanang tanungin si Haru kung anong ginagawa niya sa AU noong araw na nakabangga ko siya pero hindi ko na lang tinuloy dahil nahihiya parin ako sa kanila.

Napabuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa daliri ko. Nandun parin ang singsing na ibinigay niya. Hindi ko ito hinubad dahil hindi ko pa kaya siguro pag ready na akong harapin siya ay isasauli ko na ito. Hindi ito para sakin dapat ay sa nobya niya ito ibinigay.

Sa pagpasok ko sa AU ngayon ay malaking banner ang bumungad sakin para itong billboard sa laki. Isa iyung greetings para sa kanya ngayong kaarawan niya.


Hindi ko maiwasang isipin kung hindi sana nangyari ang lahat ng ito masaya sana kami. Nag c-celebrate ng birthday niya pero hindi we are over. At naman talaga naging kami dahil isa lang iyung laro para sa kanya at ako namang si tanga na hanggang ngayon nasasaktan pari. Sino bang hindi?


Ilang araw pa lang ang lumipas mula nun at mga araw na iyun ako lang ata ang nagdusa. Funny right I've been broken while he's living a life with her.

Hindi na ako naniniwala sa forever James Reid! Scam ka e! Scam! Pati nga kayo ni Nadine naghiwalay na. Isang malaking SCAM talaga ang forever na Yan!

" Karina!"

Napabalik ako sa isipan ng marinig ang matinis na boses ni Zane. Kita kung humahangos ang tatlo patungo sakin. Pansin ko lang palagi na lang silang parang hinahabol ng kabayo pag nakikita ako.


"Oh?" aniya ko ng makalapit na sila sakin.

"N-nandito Siya!" habol hiningang lintaya ni Zane kaya hindi ko medyo naiintindihan.


" Hah?" I'm confused.

" S-si ano nandito!" aniya naman ni Khloe na patingin-tingin sa paligid.

" Sinong nandito?" takang tanong ko.


" Girl ang hina ng signal mo, para kang globe na h+" palatak naman ni Pamela. Mas Lalo ata akong nalito.


" Sino ba kasi?" I blurted.


" Yung echuserong ex mo!" nabigla ako ng sabay sabay talaga silang sumigaw tumalsik pa laway. Eww.


HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon