OBSESSION 29

15.8K 358 10
                                    

Demon.

◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈

Paulit ulit na napamura si Hadrian ng malaman niyang dinukot ang dalawang babae. Hindi niya alam kong sino ang uunahin, buntis si Kimberly at ang dating fiance niya ay naroon din.

" What the fvck man! Akala ko ba marami kang securities na nakabantay sa kanila, paanong nangyari ito?" mura naman ni Alston.

" Sakit talaga sa ulo ang matandang Huber na yun!" inis namang anas ni Haru.

" Time is running, we don't have to dispute this thing. Stick to the plan!" paalala ni Amadeo.

Nasa Impero Tigri sila ngayon at saktong tumawag ang mga tatanga tangang tauhan niya na inutusang magbantay. Galit niyang pinagsusuntok ang mga ito at ipinakulong niya ang bawat Isa sa dungeon kung saan doon ang torture room. Ngayon lang muli siyang nakaramdam ng init na dumadaloy sa katawan sa matinding galit.

Ang akala niya ay titigilan na siya ng matandang German na iyun pero naisahan parin siya. May nakahanda naman silang plano iyun ay sugurin ang pinagtataguan ng mga punyeta. Napakalaking atraso nito sa kanya, mula sa pagpatay nito sa kanyang magulang at ito ang dahilan ng kung bakit nawalan siya ng panahon sa kabataan at maagang pinasok ang mundo ng mafia. Malaking tao man ang kalaban pero ngayon ay may kakayanan na siyang harapin ito.

Isang revolver ang itinaas ni Damon, nilagyan niya ito ng bala at tatlong beses na pinaputok. Iyun ang senyales na may dugong dadanak. Mabilis naman na nag tipa si Alston sa kanyang computer, he's trying to track the opponent, palipat lipat ang lugar ng mga ito pero hindi nila alam may nakalagay na tracking device ang kwentas na suot ni Karina. Ang kwentas na matagal ng iniregalo ni Hadrian dito.

Napahampas siya sa mesa ng tagumpay na masundan ang lugar na pinagdalhan ng mga ito sa dalawa. Nasa Southern ang location ng mga ito, sa Isang abandonadong warehouse.

Tinapik naman ni Amadeo ang balikat ni Hadrian upang suportahan ito. Alam niyang hindi ito magiging madali para sa kaibigan pero gagawa sila ng paraan. He wants his friend to find the justice of the death of his parents, so he can get the life he wanted.

Si Haru at si Damon ang nag instruct sa lahat. Takot ang lahat na magkamali dahil sa dungeon ang punta nila pag nagkataon. Samantalang si Alston naman ay nakangising nakahawak sa paboritong baril na binili niya pa sa Russia. Ilang taon din siyang hindi nakakapag exercise ng ganito. Matagal na niyang hinihintay ang ganitong pangyayari.

Isa lang ang iniisip ni Hadrian kundi ang durugin ang mukha ng matandang Huber na na iyun. Sisiguraduhin niyang sa impyerno ang kahahantungan nito. Ito ang dahilan kung bakit tinalikuran niya ang kabataan at maagang pinasok ang mundo ng mafia. Ililigtas niya ang dalawang taong ginawang bitag nito upang palabasin siya.

* * *

Galit na napamura si Diego sa harap ng isang guard sa mall kung saan naganap ang pagdukot ng kaibigan. Wala man lang ginawa ang mga security dito kundi panoorin lang ang mga armadong lalaking iyun.

Huli na ng rumisponde ang mga pulis sa lugar. Tinanong ng mga ito ang buong detalye at isinama sila sa Police station para imbestigahan ang pangyayari.

" What the h*ll just happened! Tangina bakit ba naman kasi nakipagusap pa siya sa babaeng iyon!" Frustrated na bulalas ni Zane napasabunot pa sa kanyang buhok habang pabalik balik sa paglakad. Tahimik naman na naupo si Diego sa gilid, kuyom ang kamao at nagpipigil sa galit ang mukha nito.

" H-hindi naman siguro kasabwat ang babaeng iyun sa nangyari dahil kasama din siyang nadukot," nanginginig na anas naman ni Khloe na hindi rin makapaniwala sa nangyari.

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon