OBSESSION 24

13.3K 311 35
                                    

Pain.
◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈


KARINA

KINAUMAGAHAN ay nagising na lang ako na magisang nakahiga sa silid. Hinanap ko pa si Hadrian pero gaya ng sabi ni Nay Flor ay maaga itong umalis. Napabuntong hininga na lang ako sa isipang hindi man lang ako ginising nito o inintay man lang.

Walang gana akong naglakad sa hallway, as always babatiin ako ng mga ka school mate ko kapag nadadaanan ako pero pilit na ngiti lang ang tinutugon ko sa mga ito.

Wala akong gana ngayon.

Pagpasok ko room ay sumalubong sakin ang maingay na bulungan ng lahat hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ngayon, may bago na naman sigurong chismiss. Umupo na lamang ako at mayamaya pa ay pumasok ang tatlo may dala pa itong tig iisang c2.

" Karina oh," napatingin ako sa iniabot nito. Kinuha ko iyon dahil masarap naman ang c2 iinum ko na lang ng malamig itong pakiramdam ko.

" May problema ba friennyy?" napa-iling ako. No wala naman talagang problema, hindi lang talaga nakikisabay ang katawan ko.

Mukhang ramdam nila na wala ako sa mood makipagusap kaya ay hindi na lamang nila ako pinilit. Dumukdok na lang ako sa arm chair, pipikit muna ako total wala pa ang instructor namin. Pero hindi ako makapag focus ang ingay nila.

"Omg! Buntis talaga si Ms. Kim for real? Akala ko chismiss lang," nakuha ang atensyon ko sa sinabeng iyon ni Khloe.

" Gaga malamang totoo yan kaya nga hindi siya papasok ngayon," nakikinig lamang ako sa kanila. Paanong nabuntis si Ms. Kim e wala naman iyung jowa dahil sa ugali nito.

" I wonder kung sino ang ama,"

" Hmm wala rin siyang update sa social media niya e, baka naman ay nagpa angkan lang siya,"

" Shhh baka may makarinig sayo, bunganga mo talaga Pamela!" sita ni Khloe dito.

Gusto ko sanang magtanong pero mukhang wala naman silang maisasagot. Nakakapagtaka, mas bumigat ata ang pakiramdam ko. Huwag naman sana.

" Hey, Rin-Rin!" mabilis akong napatingin sa gilid. Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat, bigla ba naman kasing sumulpot sa tabi ko. At himala yata dahil nagpakita ito ngayon sakin.

" Ginulat mo naman ako! Anong nakain mo at nagpakita ka ngayon sakin?" aniya ko.

" Hehe ang lalim kasi ng iniisip mo hindi mo ako napansin, but anyways nagpakita ako ngayon kasi gusto kitang makita," lintaya nito at ngumiti sakin.

" Halika ka, treat ko kain tayo!" Aya nito at umakbay pa sakin.

" Lakas ah, may treat agad,"

" Ganyan talaga namiss kita e," napangiwi ako ng kurutin nito ang pisngi ko.

" Kainis ka!"

"Cute mo kasi," tumatawang aniya nito habang ako naman ay pulang pula ang pisngi sa ginawa nito.

" Huyy! Pasali kami!" Napahinto kami ng biglang may sumigaw. Nakita na lang namin na papalapit na sa direksyon namin sina Zane. Napa facepalm naman si Diego. Napatawa ako mukhang mauubos ata ang pera nito.

Naging maayos naman ang takbo ng araw ko dahil sa kanila, sinabe ko rin ang plano ko sa darating na kaarawan ni Hadrian ngayon March 23. Masaya sila ng malamang handa na akong ipagsigawan ang sa amin. Tumitili nga ang tatlo ng ipakita ko sa kanila ang singsing ko.

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon