Kabanata 1

122 6 4
                                    

Napayukom ng kamay si Reia habang pinagmamasdan ang tatlong babae na ngayon ay kaharap nila. Nanginginig ang kaniyang kalamnan na para bang may gusto sumabog sa kaniyang kalooban.

Isa itong pribadong meeting. Narito sila sa conference room ng kaniyang biyenan. Katabi niya ang kaniyang asawa na wala man lang imik sa kaniyang tabi kahit na kaunti na lamang ay sasabog na siya sa galit.

"Easy, ate Reia. Ikaw pa rin naman ang legal na asawa. Nasayo pa rin ang tali ni kuya Reid." Bulong ni Raiko sa kaniyang tabi.

Binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Hindi ako ang kaaway mo.." natatawang anito bago inginuso ang mga babae sa harapan. "Sila ang kaaway mo.."

Muling nabalik ang tingin ni Reia sa mga babae.

Talagang hindi nagpapigil ang kaniyang biyenan. Itinuloy nito ang plano na magpasok ng mga babae kahit na sinunod naman niya ang gusto nitong magpaalaga sa kakilala nitong obstetrician. Masyado na ang pangingialam ng matandang ito sa kanilang mag asawa para lamang magkaapo.

Ang tatlong babae ay galing din sa mga pamilya na kabilang sa Galdreon. Wala sa diyez familia ang angkan ng mga ito at sa pagkakaalam niya ay bayad utang ang tawag sa mga ito ng kaniyang biyenan. Mga anak ito sa labas at hindi kinikilala ng kani-kanilang angkan.

"Malinaw na ang mga naging usapan namin ng mga ama ninyo. Gampanan niyo lamang ang mga tungkulin ninyo sa anak ko, magiging maayos ang relasyon ng mga Villalobo at ng mga sarili ninyong angkan." Paliwanag ni Ricardo sa tatlong babae.

Kung nakakamatay lamang ang tingin ay kanina pa pinaglalamayan ang kaniyang biyenan. Tila hindi nito napapansin ang masasamang tingin ni Reia.

"Ilalayo niyo ho ba kami sa magiging anak namin pagkatapos naming manganak?" matapang na tanong ni Lory. Anak sa labas ng pinuno ng pamilyang Cordejo. Sa pananamit ay mahahalatang prim and proper ang babae at tila kalkulado ang bawat kilos.

Napataas ang kilay ni Reia sa tanong na iyon ni Lory. Hindi niya magawang sisihin ang mga ito sapagkat wala namang choice ang mga dalagang ito. Sumusunod lamang ang ito sa utos ng kanilang mga ama. Subalit narito pa rin sa kaniya ang galit, selos at pandidiri.

Hindi niya alam kung paano pa siya nakakaharap sa mga ito. Diring-diri na siya sa nangyayari ngunit hindi niya magawang magreklamo. Siya at ang angkan lamang niya ang maiipit kung pilit siyang kakawala dito.

"Anong akala mo? Mag sstay ang sinumang mabubuntis sa bahay na to kapag nanganak ang isa sainyo? Nandito lang kayo para bigyan ng anak ang asawa ko." Hindi maitago ang galit sa tono ni Reia. Kahit anong pigil niya sa kaniyang emosyon ay sadyang kusa itong kumakawala.

"Reia." saway sa kaniya ng kaniyang biyenan.

Binalingan ito ni Reia ng masama.

"Hindi ba totoo naman, dad? Getting pregnant is their only responsibility here. Hindi sila mananatili sa bahay na ito pagkatapos manganak ng isa sa kanila. Hindi ako papayag." Matigas na salita niya sa biyenan.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na iyan, Reia. Kakailanganin ng bata ang kaniyang ina. Kaya hindi aalis ang nanay ng magiging apo ko." Salita nito.

Lalong napayukom ang kamao ni Reia. Punong-puno man ng galit sa kaniyang kalooban ay pinanatili pa rin niya ang kalmadong emosyon.

Nginisihan niya ang matanda.

"Kung ganon, tignan nalang natin kung sino lang ang matitira sa kanila." May halong banta sabi niya.

Ibinalik niya ang tingin sa tatlong babae.

Hindi maitatanggi, pare-parehas ang mga ito na nagtataglay ng ganda.

Napatagal ang titig niya sa isang babae na nasa kanang bahagi ng lamesa, malapit ito sa kaniyabg biyenan.

Scars Beneath the LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon