Kabanata 9

156 14 18
                                    


"Ano? Lumabas na ba ang kuya mo?" Tanong ni Ricardo kay Raiko nang makita ito living room.

Nakataas ang paa ni Raiko sa center table habang pagod na nakasandal ang ulo sa sofa.

Napaangat ng ulo si Raiko upang sagutin ang ama.

Pababa ito ng hagdanan habang nakahawak sa hawakan.

Inalis ni Raiko ang tingin sa ama. Umayos siya ng upo.

Pagod na pagod siya. Kung alam lamang niyang ganito kalakas ang kuya niya ay nagtawag na sana siya ng Rion para pumigil kay Reid.

Hindi biro ang nasalo niyang suntok at bato mula sa nakatatandang kapatid.

"Hindi pa rin, dad. Mabuti nang nandoon muna siya. Masakit ang buong katawan ko dahil sa kaniya. Kung hindi ko siya kapatid ay baka nabaril ko na siya sa tindi ng pagwawala niya." Sagot niya.

Umuwing galit na galit si Reid. Mukhang hindi nito naabutan sa bahay ng mga Herran ang kaniyang asawa.

Pinagbabasag nito ang mga gamit dito sa living room. Mabuti na lamang ay napapasok agad ni Raiko sa kwarto ang kaniyang ina upang hindi nito masaksihan ang pagwawala ni Reid.

Kahit ang kanilang ama ay hindi mapigilan si Reid. Para bang hindi nauubusan ng lakas si Reid, nagawa nitong basagin maging ang batong istatwa ni Ricardo Villalobo.

Napabuga ng hangin si Ricardo. Sumasakit ang ulo dahil sa nangyayari sa anak.

"Saan ba kasi nagpunta iyang hipag mo? Alam naman niya ang takbo ng utak ng asawa niya kapag nawawala siya. Masyado talagang makasarili iyang si Reia." Galit na sambit ni Ricardo. Dumiretso ito sa sofa katabi ng kinauupuan ni Raiko.

Napairap naman si Raiko.

"Hindi kasalanan ni ate na may sa sawa si kuya kung makalingkis sa kaniya." Salita ni Raiko. "Ewan ko nga doon e, dala-dalawa babae niya, minsan tatlo, kung bakit territorial siya masyado kay ate Reia."

"Alam mong responsibilidad ni Reid ang bagay na iyon. Hindi niya kasalanan kung kailangan niya ng tatlong babae para magkaroon siya ng ana-"

"Kasalanan niya, dad. Kasalanan mo din." Seryosong sambit niya sa ama. "Hindi naman masisiraan ng bait iyang anak ninyo kung hindi mo siya pinepressure sa mga bagay na mga ninuno mo pa ang gumawa. May anak o wala, mag asawa pa rin si ate at kuya Reid. Hindi niyo na dapat sila pinangungunahan sa mga ganitong bagay. Kayo ang sumisira sa kanila."

Masasakit ang mga salitang binitawan ni Raiko. Subalit hindi naman marerealize ng kaniyang ama ang mali kung hindi ito makakarinig ng katotohanan mula sa kaniya.

Napatayo sa sobrang galit si Ricardo.

"WALANG MODO!" Sigaw ni Ricardo sa kaniya.

Hindi iyon pinansin ni Raiko. Tumayo na lamang siya upang lisanin na ang lugar.

"Raiko! Bumalik ka dito! Bumalik ka ditong sutil na bata-" hindi na natuloy ni Ricardo ang sasabihin dahil sinakitan na ito ng batok.

Rinig niya ang mga katulong at bodyguard na tumugon sa kaniyang ama.

Walang lingon-lingon itong tinalikuran ni Raiko. Hindi na siya naaawa sa sariling ama. Mismong ito ay walang awa sa mga nasa kaniyang paligid kaya ano pang silbi ng pagbibigay niya ng awa dito?

Nasisiraan ng bait ang kaniyang kapatid habang ang hipag naman niya'y hindi niya alam kung nasa mabuti bang lagay.

Umakyat siya patungo sa silid ni Reid.

Rinig niya pa rin ang pagwawala nito.

"Naknamputa, may sa gorilla talaga 'tong gago na 'to. Hindi man lang napapagod." Bulong niya sa sarili.

Scars Beneath the LoveWhere stories live. Discover now