Kabanata 11

110 15 27
                                    


Ngayon ay batid na niya ang nakikitang kaba sa mukha ng kasambahay. Nasa likod na niya si Reid.

"Akala ko nagbabawi ka pa ng tulog.." sabi nalang niya upang hindi na mapansin pa ni Reid ang kasambahay na ninenerbiyos.

Tumabi sa kaniya si Reid. Hinalikan ang kaniyang ulo habang hawak ng magkabila nitong kamay ang kaniyang malaking tiyan.

"How was your sleep?" Tanong nito sa kaniya.

Umalis na ang kasambahay.

"Good." Walang emosyon niyang sagot. Ginalaw niya ang pagkaing ihinanda sa kaniya ng kasambahay. "Lea, makihanda ng isa pang breakfast please."

Alam niyang nasa malapit lang ang dalaga at maririnig siya nito.

Hindi niya rinig ang pagtugon nito ngunit kumilos naman ito agad upang maghanda ng pagkain.

Humiwalay sa kaniya ng yakap si Reid.

"Are you planning to give birth here?" Tanong sa kaniya ng lalaki. Itinukod nito ang kamao sa sentido habang nakatitig sa kaniya. Sinunsundan ng mga mata nito ang kaniyang kilos.

Inuubos lamang ni Reia ang kaniyang pagkain, matapos nito ay tutungo na siya sa kubong madalas niyang pagtambayan dahil na rin sa preskong hangin.

"That was the original plan. Since you're here I might just do it in Manila." Sagot niya.

Inilapag ni Lea ang pagkain ni Reid. Umayos ito ng upo at nagsimulang kumain.

"Why? Maganda naman dito, I'm not sure about the hospital but I think it would be good for us to stay here. It relieves stress just by looking at this place."

Napairap si Reia.

"You're the cause of my stress." Sagot niya dito.

Ngumiti lamang ang lalaki ngunit hindi iyon umabot sa mata. Para bang hindi ito natuwa sa kaniyang sinabi.

"Why don't you just go back to Manila, Reid? Kung sa anak ang pag uusapan alam nating napunan na iyon ni Sarina. Hindi mo na kailangan ang pinagbubuntis ko para sa manang pinakahihintay mo mula sa ama mo." Malamig na sabi niya.

Ilang segundo ang lumipas ngunit sumagot si Reid. Nanatili ang titig ni Reia sa asawa upang mag hintay ng sagot mula rito.

"We won't work anymore, Reid. Co-parenting works just fine rather than staying in this marriage." Saad niya pa.

"How do you know?" Malamig na tanong ng lalaki.

"What?"

"How do you know that co-parenting works? Hindi mo ba iniisip ang mararamdaman ng anak natin?"

Napakunot ang noo ni Reia.

"Stop acting like you care-"

"I do!" Tumaas ang boses ni Reid. "I care for you and for the baby, Reia. Can you just stop resisting? You have no way out! Mag asawa tayo hanggang sa mamatay ako! Even after death we'll still be together!" Matalim ang mga mata ng lalaki.

Tinitigan lamang ito ni Reia.

Wala na talaga itong pag asa. Walang magiging pagbabago.

Reid will always be manipulative and controlling.

Huminga ng malalim si Reid.

"Ikaw at ang batang 'yan ang pinakamahalaga sakin, Reia. Hindi ko alam kung paano kita papaniwalain pero iyon ang totoo. Hindi ko na alam ang kaya kong gawin kapag nawala pa kayo ulit sakin." Kalmado na ito.

"Hinding-hindi ako maniniwala sayo. Your mistress and your bastard are existing, tingin mo paniniwalaan ko na ako at ang anak ko ang pinakamahalaga sayo? You can't fool me, Reid." Aniya sa may mapanuyang tono.

Scars Beneath the LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon