Kabanata 4

133 11 18
                                    


Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Reia.

Natalikod siya mula sa natutulog na asawa. Ang braso nito ay nakayakap sa kaniyang baiwang habang ang baba nito ay nakapatong sa kaniyang ulo.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakakapit ni Reid sa kaniya.

Maingat na tumayo siya mula sa kama upang hindi magising ang asawa.

Naglakad siya patungo sa balcony ng bahay. Dinama niya ang malamig na hangin sa kaniyang balat.

Ang kaniyang nararamdaman ay hindi na katulad ng dati. Pakiramdam niya ay may malaking parte ng kaniyang pagkatao na tila ba nasa gitna ng kawalan.

Hindi na siya masaya.

Nais na niyang lumisan sa lugar ng kawalan.

Totoo nga ang sabi-sabi, hindi nabibili ng pera ang kasiyahan. Walang silbi ang kayamanan kung pakiramdam mo ay nag iisa ka lang.

Sa loob ng bahay na ito, pakiramdam niya ay para bang nag iisa lamang siyang lumalaban. Kalaban niya ang lahat, kalaban siya ng lahat.

Nahihirapan siyang tumayo.

Bumuga siya ng hangin.

Hindi na maayos ang takbo ng kaniyang pag iisip kaya naman mabuti pa ay magpahinga muna siya.

Nais niyang patahimikin ang kaniyang mundo kahit na saglit lang. Gusto na muna niyang malayo sa sitwasyong pinasok niya dala ng kapusukan.

Nakaramdam siya ng presensiya mula sa kaniyang likuran. Mukhang nagising si Reid.

Naramdaman niya ang mgakabilang braso nito na pumulupot sa kaniyang baiwang. Topless si Reid kaya naman damang-dama niya ang init ng katawan nito.

"Can't sleep?" Bulong nito sa kaniya.

Binaklas ni Reia ang mga braso nito sa kaniyang baiwang bago lumayo.

"Uh, yeah. Aantukin din siguro ako mamaya, bumalik ka na sa pagtulog mo.." salita niya dito.

Base ekspresyon ng mukha ng asawa ay tila hindi nito nagustuhan ang kaniyang paglayo. Muli nitong inabot ang kaniyang baiwang, marahan na pumiglas si Reia mula sa tangkang pagyakap muli nito sa kaniya ngunit hindi niya rin kinaya ang lakas ng asawa.

"Reid.." pagod na saway niya.

"I don't like this situation either.." bulong ng lalaki sa kaniyang likuran.

Napakunot ang noo ni Reia.

"Kung kaya ko lang, Reia.. wala sanang nasasaktan sa sitwasyon natin."

Hindi sumagot si Reia.

"Dad's threatening to oust your clan from the Galdreon." Napaawang ang bibig ni Reia. "And you know what will happen if a clan was kicked out from the organization. Authorities will hunt them, sue them for the crimes they did inside the organization."

Hindi makapagsalita si Reia. Para bang naiipit siya.

"Lilimasin ng mga tao sa labas ng organisasyon ang pera ng natanggal na pamilya. Wala nang organisasyong pumoprotekta sa kanila kaya madali na lang para sa mga buwaya na kainin sila."

"Are you telling this to me because you want me to accept your bitches? Para mo na ring sinabi na tanggapin ko nalang ang nangyayari dahil hawak niyo ako sa leeg. You're threatening me using my clan? Your in-laws?" Naiiyak ngunit galit ang kaniyang tono. Kumakawala siya sa yakap nito.

Masyadong mahigpit ang yapos ni Reid.

Gigil na gigil ang kaniyang pakiramdam. Sa sobrang galit ay nanginginig ang kaniyang kamay.

Scars Beneath the LoveWhere stories live. Discover now