Kabanata 13

66 9 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas, hindi man gustuhin ni Reia ay kinailangan na mailabas na ang kaniyang mga anak kahit pa kulang pa ang mga ito sa buwan.

Wala siyang magagawa dahil ito ang advise ng doctor para sa ikabubuti nilang mag-iina.

Ilang buwan nanatili ang kaniyang mga anak sa hospital. Noong una ay hindi siya mapakali, ni hindi siya makatulog sa pag aalala. Matagal nagstay ang mga anak niya sa NICU.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng kaniyang panganay na kasalukuyang dumedede sa kaniya. Ang dalawa pa niyang anak ay nagpapahinga sa kanya-kanyang mga crib nito.

Nakabantay lamang si Reid sa kanila, minsan ay tatayo upang tignan ang mga anak pagkatapos ay babalik muli sa couch upang umidlip.

Hindi man sabihin ni Reid ay alam niyang ito ang kumakalinga sa kanilang mga anak tuwing gabi. Hindi naman niya pinipilit ang lalaki na magpuyat, ngunit makulit ito at sinasabing ito na ang mag aalaga sa mga bata sa gabi.

Sa totoo lang ay kahit sa umaga ay walang palya ang pagkalinga ni Reid sa mga anak nila. Hindi niya alam kung saan pa ba ito kumukuha ng lakas gayong wala nga itong tulog madalas.

Tinitigan niya ang mukha ng kaniyang panganay. Hinaplos niya ang pisngi nito.

Kuhang-kuha nito ang mga mata, kilay at ilong ni Reid subalit ang labi nito ay gaya ng sa kaniya.

Morenong-moreno ang balat nito gaya ng sa ama.

"Rogan.." bulong niya sa pangalan nito. "You're very handsome, anak."

Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan ito.

"Your mom and dad might arrive in an hour, love." Pag papaalam sa kaniya ni Reid. Tumayo ito mula sa couch papunta sa kaniyang gawi.

Hinalikan nito ang kaniyang ulo.

"Okay, papuntahin mo nalang sila dito sa kwarto. Natutulog pa ang mga bata." Aniya.

"You wanna eat something?"

Umiling lamang si Reia sa tanong ng asawa.

Nang makatulog na ng mahimbing si Rogan ay inilipat na niya ito sa sarili nitong crib upang makapagpahinga ito ng maayos.

Niyakap siya ni Reid mula sa likod. Ramdam niya ang paghalik nito sa kaniyang batok.

"Hindi ka pa ba uuwi ng Manila?" Tanong ni Reia. "Kailangan ka ng mag ina mo don."

Hindi man niya tanungin, alam niyang kinukumusta pa rin kahit papano ni Reid ang anak nito kay Sarina.

Nakakatawa lang dahil para siyang kabit kung magtanong dito. Para bang siya ang itinatago dito.

Hindi niya binubuksan ang topic na ito sa mga nakalipas na buwan dahil ayaw niyang dagdagan ang stress niya sa panganganak at pag aalaga sa mga bata.

Aaminin niya, malaking tulong si Reid sa pag aalaga ng kaniyang mga anak. Hindi kakayanin ni Reia kung siya lang ang mag aasikaso ng lahat ng ito.

Subalit may mga bagay talaga na hanggang doon lang. Hindi niya kayang maging katulad ng dati ang pakikitungo niya ngayon kay Reid.

Sa tuwing naiisipan niyang bigyan ng chance si Reid, kasabay noon ang pagkaalala niya sa lahat ng naging kasalanan nito sa kaniya.

Mas malaki ang kasalanan nito kaysa ang kagustuhan niyang mapatawad ito.

Hindi niya alam kung bakit hirap umiintindi ang mga lalaki.

Akala nila, kapag nagsorry sila at humingi ng tawad, okay na ang lahat. Hindi na ulit "praning" ang mga babae kapag nagpakumbaba ang mga lalake.

Hindi naman sorry ang pinakagustong marinig ng mga babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scars Beneath the LoveWhere stories live. Discover now