Kabanata 5

79 6 3
                                    


"Hindi ba pinag usapan na natin ito noon? Nagkasundo na tayong hindi ka makikialam sa desisyon ng mga anak natin, Ferdinand. Hayaan mo silang magdecide para sa pamilya nila!" Sigaw ni Cessna sa asawa habang nakapameywang sa harapan nito.

Nakaupo si Ricardo sa swivel chair nito, sa loob ng opisina. Nakahawak sa noo habang pinakikinggan ang matatalas na sermon ng kaniyang asawa.

"Darling, I'm doing this for the sake of this clan. Mauungusan na tayo ng mga Madrigal. Sunod-sunod na ang mga tagapagmana sa angkan nila, mas lalong lumalago ang mga nagtitiwala at koneksyon ng pamilyang iyon." Paliwanag nito.

Nanonood lamang si Reia sa bangayan ng dalawa. Nakamasid lamang si Reid sa kaniyang asawa.

"Talaga bang koneksyon nalang ang mahalaga sayo?! Hindi mo na inisip ang magiging takbo ng pamilyang 'to! Ginagawa mong magulo ang sitwasyon ng mga anak mo! Inuulit mo nanaman ang ginawa satin noon ng ama mo!" Gigil pang sigaw ni Cessna. Tila ba wala na itong pakialam kahit umabot pa sa kabilang village ang kaniyang boses.

"Anong iisipin ng mga magiging anak nila?! Paano mo maipapaliwanag sa mga magiging anak ni Reid na iba-iba sila ng ina?! Napakagulong sitwasyon, Ferdinand Ricardo!"

Nakahawak lamang sa kaniyang noo si Reid. Naririndi na ito sa away ng mga magulang.

"Hindi na sana aabot sa ganito kung unang pa lang ay nagbuntis na si Reia. Ano pang silbi ng pagiging mag asawa nila ni Reid kung hindi naman siya nagbubuntis?!" Galit na sabi na rin ni Ricardo.

Napataas ang kilay ni Reia.

"Ako nanaman ngayon ang may kasalanan.." bulong niya sa kaniyang sarili.

"Huwag mong isisi sa manugang mo ang bagay na 'yan! Magkaroon man sila ng anak o hindi, wala ka na dapat pang pakialam!" Sagot ni Cessna.

"Stop it, Cessna. Narito na ang mga babae. Wala nang makakapagpabago pa ng desisyon ko. I'm done talking to you." Salita ni Ricardo bago lumisan.

Napailing si Reia.

Kakaiba talaga ang kaniyang biyenan na lalaki. Masyadong bilib sa mga desisyon.

Lumapit sa kaniya si Cessna. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.

"I'm really sorry, Reia.." tila walang magawang sabi ni Cessna sa kaniya.

"I'm fine, mama. Matagal ko nang tanggap na hindi talaga ako gusto ni dad para kay Reid. He was always using my pregnancy against me. Hindi bale, hindi naman po magtatagal ang ganitong sitwasyon natin." Makahulugang salita niya sa ginang.

Dahil lilisanin na niya ang bahay na ito.

Nasa gilid lamang niya si Reid kaya naman iniingatan niya ang kaniyang mga sinasabi.

Kaunting panahon pa.

"Don't you like meat?" Tanong sa kaniya ni Sarina habang kumakain sila. Hapunan na at kasalo na nila sa hapag si Cessna.

Bahagyang nakaramdam siya ng inis sa dalaga.

Bakit ba pinakikialaman nito ang pagkain niya?

"Why don't you focus on you own food, kaysa iniintindi mo ang kay Reia?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cessna sa babae.

Tila naman natikom ang bibig ni Sarina. Nahiya sa kaniyang ginawa.

"I'm sorry, mama. I was just worried about Reia. Napansin ko kasing kakaunti lang siyang kumain, hindi rin siya sumasabay samin ni Reid minsan." Sagot ni Sarina.

"Sino bang may gustong makasalo sa hapag ang kabit ng asawa niya?" May halong sarkasmong sabi ni Cessna sa babae. "And call me seniora, not mama. Hindi naman kita anak o manugang."

Scars Beneath the LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt