Kabanata 6

121 12 19
                                    


Nilapitan ni Reia si Chloe. Tinulungan niya itong makatayo.

"Ang mabuti pa ay huwag kang bumalik sa bahay ng pamilya mo. Tiyak na ikaw ang pagbubuntunan ng ama mo. May bahay ako sa Cavite, manatili ka muna doon pansamantala habang hindi pa nagiging maayos ang lahat." Pahayag niya sa umiiyak na babae.

"Reia, hindi mo na dapat tinutulungan ang traydor na iyan. Nagtaksil siya sa asawa natin kaya nararapat lang na maging ang pamilya niya ay magalit sa kaniya-" hindi na naituloy ni Sarina ang sasabihin nang bigyan ito ng malakas na sampal ni Reia.

"Kanina pa ako naiirita sa boses mo." Malamig ang tinging ibinibigay niya sa babae. "Kung wala rin namang lalabas na maganda diyan sa bibig mo mabuti pa ay itikom mo nalang."

Puno ng pagbabanta ang kaniyang tono.

"Asawa ko lang si Reid. Wala kang karatan na tawagin siya ng kung ano man. Kabit ka lang sa bahay na 'to. Wala kang katayuan para umasta ka ng ganyan." Mahigpit na hinawakan niya ang panga ng dalaga. "Tinitiis ko lang ang nakakasuka mong itsura pero hanggang dito na lang ang pagtitiis ko. Huwag na huwag ka nang magkakamali na ipakita itong nakakaduwal mong ugali saakin kung hindi.."

Nginisihan niya si Sarina. Takot na takot ang mga mata nito. Kaunti na lang ay papatak na ang mga luha.

"..bibigyan kita ng takot na kahit ang anino ko, hindi mo nanaising makita." 

"Reia, tama na iyan.. baka magmaga ang mukha niya at mapansin ng senior.." nag aalalang sabi ni Lory.

Binitawan ni Reia ang mukha ni Sarina. Napaupo ito sa sakit.

"Ano namang pakialam ko? Hindi pahahalagahan ni dad ang kabit kaysa sa asawa ng anak niya." Nakangising sabi ni Reia. "Maging aware ka kung saan ka nakatayo, Sarina. Pilipilit mo kasing tumayo sa lugar na mayroong nagmamay-ari."

Halata sa mukha ni Sarina na pinipigilan lamang nitong lumuha.

"Reia."

Napatigil silang tatlo.

Nilingon no Reia ang direksyon ng boses ni Reid.

Kakapasok lamang nito ng kabahayan.

Mayroong galit na ekpresyon sa mukha, umiigting ang panga at tila ba mananapak ng sinumang lalapit dito.

Napataas ang kilay ni Reia.

Galit ba ito dahil sa ginawa niya kay Sarina?

Biglang lumakas ang iyak ni Sarina.

"Reid, don't be mad. Kasalan ko rin naman kaya ako nasaktan ni Reia.." umiiyak na sabi ni Sarina.

Natawa si Reia.

"Kawawa naman.." pang aasar niya sa babae. Tinitigan lamang siya nito ng masama.

Nilapitan siya ni Reid at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang braso. Mariin na tinititigan siya ng asawa.

"Mag usap tayo." Galit ang tono nito bago siya hinila paakyat sa kanilang silid.

"Ano ba? Masakit, Reid! Bitawan mo nga ako!" Mahina ngunit galit na sabi niya kay Reid.

"Reid, please huwag mong saktan si Reia!" Habol pa na sigaw ni Sarina. Ang tono nito ay parang biktima na nagmamabait.

Scars Beneath the LoveWhere stories live. Discover now