Kabanata 12

97 8 11
                                    


Pinagmamasdan lamang ni Reia ang asawa habang nasa malayo ito at tila'y galit na may kausap sa telepono.

Nakapameywang ito, napapatingala kapag hindi nakakasundo ang kausap sa isang bagay.

Napangisi si Reia.

Bakit kasi hindi nalang ito bumalik ng Maynila at asikasuhin ang mag ina nito doon?

Pilit na ipinagsisiksikan ni Reid ang sarili nito sa kaniya.

Ang daming tao ang naapektuhan sa mga ikinikilos na ito ni Reid. Imbis na isipin ang magiging kalagayan ng iba, mas sinusunod pa rin nito ang sariling kagustuhan.

Kung noon pa sana ito naging ganito sa kaniya, baka kahit pagtayo hindi na kayanin ni Reia sa planong pag alis sa buhay nito.

Mukhang natapos na ito sa pakikipagbangayan sa kausap. Ibinulsa na nito ang telepono at saka lumapit sa kaniyang kubo.

Isinubo ni Reia ang piraso kaniyang bibingka na ipinahanap niya pa kay Reid kanina. Wala siyang pakialam kanina kung hindi nito alam ang mga daan dito sa Ligao.

"Pinapauwi ka na ba ng mag ina mo?" Walang emosyong tanong ni Reia.

"I'll stay here." Maikling sagot nito bago tumabi sa kaniya.

Umirap si Reia.

Alam niya, delikado ang sitwasyon. Hindi niya pwedeng isaalang-alang ang buhay ng mga anak niya. Imposibleng makatakas siya ngayon sa hawak ni Reid.

Mas hihirap ang sitwasyon kapag nailabas na niya ang mga bata. Tiyak na gagamitin ni Reid ang mga anak niya para lang ikadena siya.

Hindi niya alam kung paanong makakaisip ng paraan upang makawala sa lalaking ito.

Namataan niya si Jacinto di kalayuan.

Nakaramdam siya ng kaunting kaba para sa binatang iyon. Hindi man sinasabi ni Reid ay alam niyang binabantayan nito ang kilos ni Jacinto.

Nakatingin lamang sa kanila si Jacinto.

Ipinapahiwatig ng mga tingin ni Reia na huwag na huwag itong magkakamaling lumapit sa kanila.

"I won't do anything to that boy if that's what you're thinking, love." Rinig niyang salita ni Reid sa kaniyang tabi. "I don't like to stress you out. But of course I'm watching him. Basta hindi siya lumalapit, walang mangyayari."

Kalmado ang tono ni Reid ngunit batid niya ang pagbabanta sa likod ng mga salitang iyon.

Hindi nagsalita si Reia.

Kahit anong sabihin niya, kahit anong pakiusap niya, hindi naman makikinig ang taong walang intensyong makinig.

"So, hindi mo man lang ba gustong masaksihan ang pagsilang ng una mong anak?" Iniba niya ang usapan. Ibinaling niya dito ang topic. "It would be great kung mapapanood ng bagong pinuno ng mga Villalobo ang pagsilang ng kaniyang panganay."

"I'll stay where you are, Reia. Napag usapan na natin iyan. Kahit ilang ulit mo iyan ibato sakin, iyon at iyon pa rin ang magiging sagot ko."

"Iniisip ko lang ang mga magiging reaksyon ng iba pang kasapi ng angkan. Hindi mo makukuha ang pabor nila kung nandito ka at sinasayang ang oras. Pinaghirapan ng tatay mo ang pagtatayo ng angkan niyo." Pahayag niya dito.

May katotohanan ang kaniyang binanggit. Kakamatay lang ni Ricardo kaya masyado pang malambot ang kinatatayuan ni Reid.

Kailangan niyang makuha ang loob ng iba pang kamag-anak upang mapagtibay ang katayuan niya sa angkan.

Masasayang ang lahat ng pinaghirapan ni Don Ricardo kung mananatili lang dito si Reid. Malamang ay bumaba nang bumaba ang ranggo, o di naman kaya'y malipat sa ibang myembro ng angkan ang pangangalaga ng pinuno.

Scars Beneath the LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon