ONE

89 23 46
                                    

"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had called off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network"--

Marahas na napabuntong hininga si Victoria habang nakatitig sa nakaimprintang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahangaan sa hawak niyang dyaryong.

Jude Sandejo.

Hindi na bago sa kaniya na nasa front page na naman ang lalaki dahil na rin sa kasikatan nito. Walang araw na hindi ito laman ng mga headlines at unfortunately ay puro tungkol ito sa masamang balita.

Kung iisipin ay hindi naman 'yon mawawala sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikasisira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin. Ika nga ng iba... good or bad, it is still good publicity pero sadyang hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang ibinabato ng mga walang magawa sa buhay upang sirain ang pangalan nito. Kapag naaayos ang isang isyu ay may lalabas na namang panibago. Halos ganoon na ang naging cycle ng showbiz career nito mula ng magsimula ang lalaki.

Nung nakaraang linggo pa nga lang ay nakipag-away pa siya sa mga bashers ng lalaki dahil sa isang isyu to the point na nakipag sabunutan pa siya sa babaeng sa isang parke na nagsabi na playboy ang idolo at hindi niya tinantanan 'yon hangga't hindi ito binabawi ang sinabi.

Ni-report din niya ang mga social media accounts na nagpopost ng kung ano-ano tungkol sa lalaki ng ilang beses para tumigil. Tapos ngayon ay ito na naman! Hindi na nila tinantanan ang Jude ko!

Bagamat hindi niya kilala ang lalaki personally pero as an avid fan ay alam niya sa kaniyang sarili na kilalang-kilala na niya ito. Hindi ito gagawa ng mga bagay na pinaparatang sa iba. Hindi ito manloloko at hindi totoo na isa itong f*ckboy. Sa pagkakaalam niya ay ni wala nga itong legit na karelasyon sa ibang babae dahil kung meron man ay siya ang unang makakaalam no'n.

She was a die hard fan of him ever since his training days. She knows all about him and is always updated.

"Anetchiwa nangyari sa feslak mo Tori para kang iniwan ng jowa kahit wala ka naman no'n."

Nilingon niya ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa kaniyang likuran. Nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang si Shin Del Rosario na kasalukuyang nakapamewang habang nakataas ang bagong ahit nitong kilay sa kaniya. Nakasuot din ito ng mini skirt at crop top at napakagulo ng buhok na akala mo ay sumabak sa isang gera.

Napaismid siya. Hindi na siya nag-abala pa na magbigay ng komento tungkol sa suot nito dahil iisa lang naman ang isasagot ng kaibigan sa kaniya. Ito raw ang kaniyang style.

Nag-iwas ng tingin si Tori sa kaniyang kaibigan kapagkuwan ay itinabi ang dyaryo. "Wala," paghihimutok niya.

Tori heard her grunt. Ilan pang sandali ay umupo ito sa kaniyang tabi kapagkuwan ay pinitik ang kaniyang noo. "Hay naku! Kung hindi lang kita bestfriend ay baka maniwala ako sa 'yo pero hindi! Mula pa noong una mo akong nakitang nasa itaas ng puno ng mangga sa likuran ng bahay niyo ay naging matalik na magkaibigan na tayo at sa sobrang closeness na 'tin ay hindi na tayo mapaghiwalay kaya kilalang-kilala na kita, uy!" anito.

Hindi na nakaangal pa si Tori sa sinabi ng kaibigan. After all it was the truth. Mula pa noon ay hindi na sila naghiwalay pa ni Shin. Her best friend even came with her nang lumuwas siya ng Manila para mag-aral. Share sa lahat ng gastusin for the past four years, sa bahay, tubig at pagkain hanggang sa kasalukuyan ng parehas na silang tapos sa mga tinahak nilang kurso. She's in education and her best friend took accountancy.

Imbis na sagutin ang tanong ng kaibigan ay itinaas lang ni Victoria ang hawak-hawak na dyaryo para ipakita sa kaibigan. Agad itong napasimangot.

"Kyoket pa kasi ako nagtanong?" masungit na anito sabay hablot ng dyaryo mula sa kaniya. Lalo siyang napasimangot. Minsan ang rude talaga nitong babae 'to. Hayst!

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Onde histórias criam vida. Descubra agora