TWELVE

11 5 3
                                    

  TININGNAN ni Tori ang kaniyang sarili sa salamin kapagkuwan ay iniunat niya ang kaniyang suot na dilaw na polo at ang kaniyang itim na mini skirt. Nagpakawala rin siya ng ilang beses na buntong hininga pero ngunit kinakabahan pa rin siya. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil hindi iyon nakatulong upang maalis ang kaniyang nararamdamang nerbyos sa kaniyang interview at demonstration teaching sa araw na iyon.

Nakatanggap siya ng text kahapon mula sa school kung saan ipinasa ng kaniyang kaibigan ang kaniyang mga dokumento para sa gaganapin na ranking para makapasok sa ahensiya ng edukasyon. Marahas siyang napailing. Hindi Tori! Kaya mo 'yan! Huwag kang mag-alala. Malalagpasan mo rin ito.

Muli siyang tumingin sa repleksyon sa salamin. She tucked a loose hair strand behind her left ear and then took a heavy sighed. Kahit ano'ng gawin niya ay kinakain pa rin ng matinding kaba ang kaniyang dibdib.

Wala siyang ayos na tulog dahil sa anticipation and anxiety at dahil doon kinailangan niya pang humiram ng concealer kay Cass para lang maitago ang nangingitim na ilalim ng mga mata niya.

Alas – 5 pa lang ng umaga ay naghanda na siya para sa mahalagang appointment niya para sa araw na iyon. Kinuha niya ang bag na naglalaman ng ginawa niyang visual materials, reference book at lesson plans na isinulat niya.

"Tori?" Napalingon si Tori sa boses ni Cass na siyang tumawag sa kaniyang likuran. Nakasandal ito sa may pintuan habang akangiti at nakatingin sa kaniya. Inayos nito ang suot na salamin kapagkuwan ay lumapit sa kaniya. "You looked tense." Hinimas nito ang kaniyang kanang bisig. "Relax. Alam kong kaya mo 'yan! Huwag kang kabahan. Nandito kami nakasuporta at naniniwala sa 'yo," anito kapagkuwan niyakap siya ng buong higpit.

Napangiti si Tori sa mga sinabi ng kaibigan. Kahit paano nabawasan ang kabang kaniyang nararamdaman dahil sa comforting words sa kaniya ni Cass. Masasabi niya na masuwerte siya dahil sa mga bagong kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang suporta ng mga ito lalong-lalo na ang kaniyang boss na si Esme. Natatandaan niya pa nang magpaalam siya kahapon. Walang atubili pumayag ito at nagsabi pa ng good luck sa kaniya. Hindi lang 'yun tinulungan din siya ni Cass at Wesley sa paggupit at pag-design ng kaniyang mga materials.

"Maraming salamat sa lahat ng tulong, Cass. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Wesley," nahihiyang aniya.

"Oo nga, ano na lang ang gagawin mo kung wala kami ni Cassandra. Kahapon sobra ang pagkataranta mo. Hindi mo na alam kung ano'ng uunahin."

Sabay silang napatingin ni Cass sa may pintuan. Bihis na bihis ito na nakapagpakunot sa kaniya. Sa pagkakaalam ko ay wala namang lakad ngayon si Jude ah?

"Good morning, Ma'am Tori! Handa ka na ba? Ihatid na kita sa school para madali kang makarating." Lumapit ito sa kanilang dalawa ni Cass pagkatapos ay kinuha ang sakbit niyang bag. "Ito lang ba ang dadalhin mo?"

Pilit na inagaw ni Tori ang kaniyang bag sa lalaki ngunit iniwasan lang 'yun ni Wesley. "Naku! Wesley, hindi na ako. Ako na ang magdadala ng bag ko at saka maaga pa naman. Kaya ko nang pumunta doon ng mag-isa," aniya.

"Hayaan mo na si Wesley, Tori. Nagpaalam naman 'yan kay boss. Isa pa hindi rin 'yan matatahimik kung hindi mo hayaan na tumulong para hindi ka rin ma-late," sabat ni Cass na may malawak na ngiti sa mga labi.

"Paano ba 'yan so, tara na?" he said cockily kapagkuwan ay nauna sa kaniyang lumabas ng kwarto nila ni Cass. Susundan niya na sana ito nang biglang tapikin siya sa balikat ni Cass. Napangiti si Tori nang makita niyang nakasenyas ito ng 'good luck' sign sa kaniya. Tumango siya bilang sagot sa babae. "Thank you!"

Lumabas si Tori sa kaniyang kuwarto kapagkuwan ay bumaba para sundan ang kaibigan na si Wesley. "Going somewhere?"

Napalingon si Tori sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ng lalaking tatlong araw na niyang hindi nakikita. It started after the her incident with the angry fans.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now