FIVE

26 11 6
                                    

ALAS-SAIS na ng hapon pero nakahiga pa rin si Tori sa kaniyang kama. Tulala at walang gana habang nakatingin sa kisame ng silid nilang dalawa ni Cass. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at nagkulong. Nawalan siya ng interest na makisalamuha sa mga katrabaho niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas.

Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin siya maka-recover sa mga nangyari sa studio. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kaniyang noo kapagkuwan ay napabuntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan at isa na ro'n ang magaspang na pag-uugali ng idolong si Jude. Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin niya matanggap na kayang manggan'on ng lalaki na tila ba walang pakialam kung anong nararamdaman ng ibang tao.

She's having a hard time believing it dahil sa pagkakakilala niya sa lalaki, napaka-caring at out-going nito. She knew him as the person who always cheer up the people around him and always careful on the things that he will say dahil ayaw nitong makasakit ng ibang tao. At least that's what I remembered about him.

Kasalukuyang inaayos ni Tori kasama ang kaniyang mga kaklase ang net sa gymnasium ng kanilang eskwelahan para sa gaganaping klase sa PE. Pinauna na sila ng kanilang guro sa gym dahil kinakusap pa ito ang isang magulang na nagtungo sa kanilang room.

Crowded ang buong gym dahil mayroon din silang mga kasabayan na mga iba pang sections na nasa loob din ng gym ngunit kapansin pansin na wala rin itong mga kasama na mga teachers.

Patapos na sana sila nang biglang silang may narinig na isang sigaw na hindi kalayuan sa kinaroroonan nila dahilan upang matigilan sila sa pag-aayos at mapalingon sa puwesto ng pinanggalingan ng boses. Napailing si Tori nang makita niya ang grupo ni Cathlyn, ang campus queen, kasama ang kaniyang mga alipores na pinapalibutan ang isang babae na nakaupo sa sahig.

Naagaw ang kaniyang atensyon sa kulay tsokolateng mantsa sa damit ni Cathlyn. Nakita niya rin ang tapon na tsokolate sa sahig kasama na ang basyo nito.

"Ano ba! Apat na nga ang mga mata mo tatanga-tanga ka pa!"

"H-hindi ko sinasadya, Cathlyn. Sorry!" hinging paumanhin naman ng babaeng kasalukuyan pa rin na nakaupo at nakatungo lang.

"Kawawa naman 'yong babae. Sa lahat ng taong makakabangga eh 'yong demonyita pa."

"Makakasaksi na naman tayo ng isa pang highschool drama."

Rinig niyang saad ng dalawa niyang kaklase. Napailing si Tori. Sumasang-ayon siya sa sinabi nito. Matindi ang ugali ng babae. Palibhasa ay sa pagkakaalam niya ay spoiled ng magulang kaya kung umasta ay parang reyna. Isa pa ay napakalaki ng impluwensiya ng pamilya nito sa kanilang bayan kaya napakaraming takot na mga estudyante at pati na rin ang iba nilang mga guro sa babae. Hindi na siya magtataka kung bakit wala man lang umawat sa mga ito. Ito ang isa sa mga pagkakataon na napatunayan niya na hindi lang sa television series nangyayari ang mga ganitong eksena.

"Hindi mo sinasadya?" sarkastikong saad nito saka tinapunan ng tingin ang isa sa mga alipores niya. Tumango naman ito saka umalis at kinuha ang isang bote kapagkuwan ay ibinigay 'yon kay Cathlyn. Napangisi ang babae habang binubuksan ang bote.

"A-anong gagawin mo?" natatakot na tanong ng babae. Mas lumawak ang mga ngiting ipinapakita ni Cathlyn. Hindi na nakaimik pa ang kawawang babae nang bigla hinawakan ng dalawang alipores ni Cathlyn ang magkabila nitong braso upang hindi makapalag 'tsaka buong puwersang itinayo.

"Sorry din dahil hindi ko rin sinasadya itong gagawin ko sa'yo," pang-uuyam na saad ni Cathlyn.

"Parang-awa mo na, Cathlyn. Huwag mong ituloy," pakiusap nitong muli ngunit hindi ito natinag. Akma na sana nitong itatapon ang laman ng bote sa babae nang bigla niya itong pigilan bago pa man niya napigilan ang kaniyang sariling bibig.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now