SEVEN

11 7 5
                                    

  "ANONG SINABI ko sayo! Hindi ba at sinabi kong huwag mo iistorbohin si Jude, hindi ba? Hindi ka pa nga nagtatagal sa trabaho mo ay lumalabas na agad ang buntot at sungay mo?" nanggagalaiti na asik ni Adrian kay Tori. Nakapamewang pa ito habang umuusok ang ilong na nakatingin sa kaniya.

Nasa sala silang lahat kasama si Jude na prenteng nakaupo lamang sa mahabang sofa katabi sina Cass at Wesley. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kaniya at nagmamasid.

Ramdam na ramdam sa atmosphere ng bahay ang tensyon dahil sa nangyari. Ito ang kinahantungan niya matapos ang nangyari kanina sa harapan ng kwarto ng binata. Agad na tinawagan ni Jude si Adrian at sinabi nito ang nangyari. Kitang kita niya ang galit sa mukha nito dahil sa walang permisong pagpasok niya sa kwarto ng binata dahilan upang magalit rin si Adrian. Ni hindi nga inalala ng lalaki ang muntikan nang paglapa sa kaniya ng alaga nitong aso.

Lihim siyang napabuntong hininga. Buong buhay na niya atang dadalhin ang trauma na nakuha sa malaki nitong aso. Siya man ay hindi na mapigilan ang pagtawag ng lalaki sa mga kasamahan dahil natataranta na rin siya kanina. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang bilin at rules sa kaniya ni Adrian at dumating na nga nga ang kinatatakutan niya makalipas ng tatlong oras. Kulang na nga lang ay salubungin siya ng sampal ni Adrian nang makarating ito sa bahay.

Talagang galit na galit. Napayuko na lamang siya dahil kasalanan naman niya. Inaamin naman niya iyon pero masama bang mag-alala sa kalusugan ng amo niya kung ito naman talaga ang trabaho niya?

Iyon ang katwiran niya sa sarili kung bakit niya iyon ginawa pero wala siyang lakas ng loob na isiwalat 'yon dahil baka mas lalo mabadtrip sa kaniya si Adrian. Nakakaramdam din siya ng pagka-guilty dahil naistorbo pa niya ang pag-uwi nila Wesley at Cass sa mga pamilya ng mga ito dahil pinatawag ang mga ito ni Adrian at pinauwi.

Samantalang ang dalawang kambal naman ay hindi na sumama kay Adrian at nagpaiwan ang mga ito sa studio upang buuin ang iba pang choreography na gagamitin ni Jude sa iba pa nitong kanta.

"Alam mo Addy, we can talk in a calm tone. I'm sure may dahilan si Victoria kung bakit niya sinaway ang isa sa sampung utos mo," muling pagtatanggol sa kaniya ni Wesley ngunit imbis na maliwanagan si Adrian sa paliwanag nito ay lalo pa iyon ikinagalit ni Adrian sa kaniya. Kanina pa kasi siya nito ipinagtatangol kasama ni Cass mula kay Adrian.

"Stop protecting her, Wes! I'm calling Esme now. Dapat sisantehin agad ang mga empleyadong hindi sumusunod sa mga rules dahil baka makasama pa siya sa grupo kapag nagkataon," gigil pa rin nitong saad kasabay ang pagkuha nito ng sariling cellphone.

Doon na kinabahan si Tori. Napaangat ang kaniyang mukha sa lalaking nakapamewang habang nagtitipa ang isang kamay sa hawak nitong cellphone. Nakaarko ang mga kilay at bakas ang sobrang inis sa pagmumukha.

"Addy hinay-hinay ka lang pwede? Pagsasabihan ko na lang si Tori. Napakalupit naman agad ng desisyon mo. I promise this won't happen again. Babantayan ko siya," suhestyon ni Cass ngunit patuloy pa rin sa pagtawag ni Adrian sa numero ng manager.

Naluluha na si Tori dahil sa mga nangyayari. Sobrang biglaan ang lahat at hindi siya nakapaghanda. Mawawalan na talaga siya ng trabaho. Paano na? Wala na akong pera. Halos naibigay ko na ang last allowance ko nang umalis ako sa bahay na inuupahan namin ni Shin. Kung masesesante ako dito paano na ang plano kong makapag-ipon?

Mariing ipinikit na lang ni Tori ang mga mata at pinagsiklop ang dalawang kamay habang nakayuko. Tapos na siya. Masasayang lang ang magandang offer ng trabaho niya. Ano bang naging kasalanan niya? Bakit ganoon na lang ang kaparusahan kapalit no'n? Nag-alala lang naman siya sa binata. Nagpaalam naman siya na papasok. Oo at binali niya ang rules pero salungat naman iyon sa tunay na kahulugan ng kaniyang trabaho. Personal assistant siya ni Jude trabaho niya na alagaan ito. Tori heaved a sigh. If only I could say those things.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now