FIFTEEN

15 4 0
                                    

"ISANG lalaki ang kalaboso matapos sampahan ng kaso ng maraming babae dahil sa pananakit umano nito sa sikat na idolo na si Jude Sandejo. Makikita sa isang CCTV footage ng isang shop ang pagsuntok ni Mr. Galvez 37 years old kay Jude—"

Nanlalaki ang mga mata ni Cass habang nakatingin sa dalawang pamilyar na mukha na kasalukuyang laman ng isang flash report.

"T-teka! Hindi ba't si Victoria 'yung sa likod ni Jude? Magkasama pala ang dalawa kaya wala rito sa bahay," gulat na saad ni Cristoff sa kanyang kakambal habang nakatutok sa kakapasok lang na balita sa telebisyon. Katabi niya ang mag-kambal na nagpapahinga sa sofa at nanonood ng tv.

Alas-4 na ng hapon at kakauwi lang nila mula sa kaniya kaniyang lakad at raket. Naging panatag ang kanilang kalooban kahit na hindi nila naabutan sa bahay ang dalawa sa pag-aakala na hindi lalayo ang mga ito. Nakaramdam si Cass ng pagsisisi dahil iniwan niya pang mag-isa si Tori. Hindi sana ito mangyayari kung naroon din siya upang pigilan ang lalaki. Ano bang iniisip niyong dalawa, Tori at Jude? Kaya pala si Simba lang ang tao sa bahay. Tori... sana ayos ka lang.

"Mukhang lumabas yung dalawa without telling us ah? Kaya pala wala tayong naabutang tao dito sa bahay," napapailing na dagdag pa nito habang may nakakalokong ngiti ang naglalaro sa mga labi nito.

"Sakit sa ulo talaga ang babaeng 'yan," parang wala lang na komento ni Cross na hindi man lang tumitingin sa tv dahil abala ito sa pagbabasa sa hawak na libro.

Cristoff laughed kapagkuwan ay binato ng isang unan ang kambal ngunit nasalo din nito ng 'di tumitingin. Ibang klase talaga ang magkapatid. Parang nababasa nila ang gagawin ng isa't isa. "Ang init talaga ng dugo mo kay Victoria. Nahahawa ka na kay Addy," nakangusong sabat niya sa mga ito. Cross gave her a bored look.

"I'm just stating what I observed," sagot nito saka tumayo at naglakad palayo sa sala. "I'll go get a shower."

Nagkatinginan sila Cristoff at Wesley nang makaalis ang lalaki. Kapwa nagtataka sa kung anong rason kung bakit ganito ang trato nito sa babae. Mabait naman si Victoria. She doesn't deserve this kind of treatment. Dedicated sa trabaho at masipag. Wala itong gagawin na ikakapahamak ng alaga which gives me a conclusion.

May pakiramdam siya na pakana ni Jude kung bakit sila magkasama ng babae. Kung siya ang tatanungin. Hindi si Victoria ang sakit sa ulo kundi ang lalaki. Ito ang palaging nagbibigay sa kanila ng sakit sa ulo. Sariling kapakanan lang nito ang iniisip. Wala itong pakialam kung may madamay na iba.

"Nahawa na nga ata ng tuluyan 'yan kambal mo sa kasungitan ni Addy," natatawa niyang saad ngunit hindi tumawa ang kaibigan bagkus ay naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam tuloy niya ay si Cross ang kaharap at hindi ang masiyahing si Cristoff.

"My twin's just worried past will repeat itself. Hindi ba at gan'on din nagsimula ang pagiging close ni Jude at nung dating assistant niya? Aminin mo man o hindi may rason si Cross at Addy para maging gano'n," seryosong anito na siyang ikinibit balikat na lang niya.

"Maybe pero hindi ba nila naisip na baka nagiging OA na sila? Hindi naman lahat ng tao ay katulad ni Jen."

"Anak ng sampung pato! Bakit nasa news na naman sina Jude at Tori?"

Kapwa sila napatingin na dalawa sa kakarating lang na si Wesley na kasalukuyang hawak ang kaniyang cellphone at hindi makapaniwala na nakatutuok dito. Kakalabas lang nito sa comfort room na malapit sa sala habang kasalukuyang tinutuyo ang basa nitong buhok gamit ang isang puting tuwalya.

"For sure magwawala na naman si Addy pag nalaman ito," nakangiseng anito na para bang natutuwa pa sa nangyayari.

"We're back."

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now