FOURTEEN

10 4 6
                                    

KASALUKUYAN na nasa kusina si Tori habang kumakain ng kaniyang umagahan. It was three days since the kissing incident that happened between her and Jude. That unexpected incident na nagresulta ng kahirapan niya sa pagtulog tuwing gabi dahil sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata. Ang mukha ng lalaki ang kaniyang nakikita. Bumabalik din sa kaniyang alaala ang sa mainit na halik na kanilang pinagsaluha ng lalaking idolo. Hindi pa rin niya ma-digest sa kaniyang isip na ang idolong lalaki ang makakakuha ng kaniyang unang halik.

Napatakip ng kaniyang mukha si Tori nang pakiramdam niya ay pinamumulahan siya ng mukha. Sa t'wing hinahawakan niya ang kaniyang mga labi ay nararamdaman niya ang malumanay na paggalaw nito na tila ba takot na masaktan siya. Ano ba, Tori! Ang aga aga kalandian ang nasa isipan mo!

Nalilito na siya. Hindi na niya alam kung anong mararamdam. Alam niya kung ano ang gender ni Jude and somehow ay unti-unti na rin niyang natatanggap ang natuklasan tungkol sa pagkatao nito pati na ang relasyon nito sa makeup artist. Ang totoo ay hindi na niya na lang pinagtuunan ang gender preference ng lalaki dahil kahit papaano ay masaya na rin siya para rito at sa kasintahan nitong si Adrian pero 'yung paraan ng paghalik sa kaniya ng binata pakiramdam niya ay lalaking lalaki ito.

Ipiniling niya ang kaniyang ulo at tinapik niya pa ng ilang ulit ang kaniyang mukha na tila ba ginigising ang sarili. Lasing si Jude nang mga oras na 'yon. Espiritu lang 'yon ng alak, Tori kaya huwag mo nang isipin ang nangyaring 'yon. Aksidente lang ang lahat! Hindi ba't wala ngang naging reaksyon si Jude. Kung umakto ito ay parang walang nangyari sa pagitan niyo? Kasi nga lasing siya at marahil ay nalimutan niya ang nangyari!

Laking pasalamat na lang niya na bago pa man bumalik sina Cass at Adrian sa silid ay wala ng malay ang lalaki na siyang nakaupo sa sofa. Paniguradong mauubusan siya ng buhok kapag sinabunutan siya ni Adrian. Marahas siyang napailing. Hindi ko alam kung anong sasabihin if ever na nakita kaming dalawa ni Jude sa ganoong posisyon.

Bukod sa insidente patungkol sa whiskey na nainom ni Jude at sa nasaksihan niyang matinding galit ng kaniyang boss na si Esmeralda. Kapag naaalala niya ang tagpong 'yon ay kinikilabutan siya... parang isang bulkan na sasabog. Hindi niya gugustuhin na maranasan ang galit nito kaya nga bukod sa hiya na nararamdaman sa t'wing nakikita ang lalaking si Jude ay iniiwasan na niyang mapalapit dito dahil gulo lang ang kapalit no'n.

Kapag may kailangan man siyang ibigay sa lalaki ay hihingi siya ng pabor kay Cass o hindi kaya kay Wesley para sila na lang ang magbigay. Maliban doon ay wala ng bago pang nangyari. May sariling mundo pa rin ang kambal na sina Cross at Cristoff samantalang si Adrian naman ay inis pa rin sa kaniya.

Marahang siyang napabuntong hininga. Hinahayaan na lang niya ito dahil alam niyang hindi naman na mababago pa ang turing nito sa kaniya though she really wants to be friend with him-- her.

Muli siyang napabuntong hininga. Tahimik ang buong bahay dahil wala ang knaiyang mga kasama. Nagpaalam ang mga ito sa kaniya dahil sa wala namang naka-schedule na trabaho si Jude dahil pina-cancel 'yon ng kaniyang boss na si Esmeralda ay raraket muna ang mga ito. She pouted. Bakit kasi pati si Cass ay sumama sa raket ni Adrian? Wala tuloy akong makausap dito sa bahay.

Napapapadyak na lang sa inis si Tori mukhang matutuyuan siya ng laway sa bahay. Kung sino pa ang iniiwasan niya ay 'yon pa ang naiwan sa bahay kasama niya. Natigilan si Tori nang bigla na lang tumunog ang kaniyang cellphone. Kumabog ng husto ang kaniyang dibdib nang makita ang pangalan na nasa screen.

Papa.

Sinagot niya ang tawag kapagkuwan ay lumabas ng bahay para hanapin ang mas malakas na signal.

"Hello? Tori anak! Kumusta ka na r'yan?" bungad na bati ng ama. Napapikit si Tori ng ilang sandal dahil bigla niyang na-miss ang kaniyang pamilya. Sa sobrang kabusy-han niya sa trabaho ay hindi na niya nabibigyan ng panahon na kahit tumawag man lang sa kaniyang pamilya sa probinsya.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now