THIRTEEN

11 4 6
                                    

"I'M SORRY but your points didn't reach the qualification to be one of our teachers. You can try again on the next ranking."

Marahas na napabuntong hininga si Tori pakatapos ay napayuko. Alas-6 na ng gabi at kasalukuyan siyang nasa isang pambatang palaruan ilang metro malapit sa Villa Cabral. Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman matapos niyang malaman ang resulta ng isinagawang ranking.

Pakiramdam niya ay nabigo niya hindi lang ang sarili kundi pati na rin ang mga taong naniniwala sa kaniyang kakayahan... ang kaniyang mga magulang, ang kaibigan niyang si Shin, ang boss niyang si Esmeralda at ang mga katrabahong sina Cass at Wesley.

She never felt sad her entire life tanging sa mga oras lang na 'yon. She felt worthless and frustrated. Ang tiyansa na maingat sa buhay ang kaniyang pamilya ay nawala ng parang bula. She felt that she isn't enough. Kanina pa rin siya hindi matigil sa pag-iyak. Mabuti na lang at medyo madilim sa parte ng palaruan kung saan siya nakaupo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa siya puwedeng umuwi sa bahay.

Hindi niya kaya na umuwi na ganoon ang lagay dahil alam niya na tatanungin siya nina Cass at Wes kung anong naging resulta at kapag nagkuwento siya. Alam niya na hindi niya maiiwasan na maiyak muli. Ayaw niyang mag-break down sa harap ng kaniyang mga kaibigan dahil magmumukha lang siyang kawawa. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. "You are really pathetic, Tori."

"What are you doing here?"

Pakiramdam ni Tori ay nanigas ang kaniyang katawan dahil sa narinig na familiar na baritonong tinig. Agaran na pinahiran niya ang kaniyang mga mata kahit na walang kasiguraduhan kung makikita ng lalaki ang namumula niyang mga mata sa dilim. Ano'ng ginagawa rito ni Jude?

Nais magsalita ni Tori pero natatakot siya na marinig nito ang paggaralgal ng boses niya kaya nanatili siyang walang imik. Nang ilan pang sandali ay naramdaman niya ang pag-upo ng binata sa duyan na katabi ng sa kaniya na sinundan ng ilang minutong katahimikan.

"Alam mo bang napakaingay ni Cass sa bahay. Sa sobrang ingay hindi na ako makapag-concentrate. Kanina pa siya hindi mapakali dahil hindi ka pa umuuwi. Kanina ka pa niya sinusubukan na ikontak pero out of reach ang number mo," he said in an almost defeated tone.

May nadinig din siyang pagkainis sa tinig ng lalaki. Mabilis na kinuha ni Tori ang cellphone sa kaniyang bag kapagkuwan ay sinubukan na buksan 'yon ngunit walang nangyari.

"Deadbatt huh?" Marahas na bumuntong hininga ang binata. "You really are trouble; don't you know that?" Trouble? Siguro nga 'yon ako. Wala na akong ginawa kundi trouble. Trouble na nakakaabala sa iba.

Tori chewed her lower lip. Mas lalong sumama ang kaniyang nararamdaman. Pagkatapos ay yukong tumayo mula swing. "I'm sorry kung naabala ka dahil sa kagagawan ko. Balik na tayo sa bahay," walang buhay na saad niya. Akmang mauuna na sana siyang maglakad nang bigla siyang pigilan sa kamay ng lalaki.

"Hindi mo ba nakuha ang sinabi ko? Maingay si Cass sa bahay kaya nga ako umalis doon tapos papabalikin mo naman ako?"

Napamaang si Tori sa sinabi ng binata. Kunot noong hinarap niya ito. Walang emosyon ang mababasa sa mukha nito kaya naman ay hindi niya mabasa kung anoman ang iniisip nito.

"Let's grab some food. Nagugutom na ako." Tumayo si Jude kapagkuwan ay basta basta na lang siya hinila.

Nakaramdam ng kakaibang kaba si Tori, hindi lang dahil sa magkahugpong nilang kamay ng lalaking gusto kun 'di nag-aalala siya na baka may makakilala rito. Kahit pa sabihin na nakasuot ito ng blue hooded jacket na tinernuha ng gray skinny jeans at puting rubber shoes as a disguise ay may posibilidad pa rin na may makakilala sa lalaki at kung nagkataon ay mapapahamak na naman ito nang dahil na naman sa kaniya.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now