TEN

9 6 1
                                    

   "ITO OH, uminom ka muna ng juice," naiilang na alok ni Tori sa hindi inaasahang bisita. Kasalukuyang silang nasa kusina ng sikat na modelong si Kitzel Ly na nakaupo sa island counter.

Nakasuot ito ng black hood at sumbrero na tinernuhan ng ragged pants. Bagamat kung tutuusin ay napakasimple ng suot nito, iba pa rin ang naging dating ng damit kapag ito ang nagdala. Hindi maipaliwanag ni Tori pero kahit na gano'n ang suot ng binatang modelo ay umaapaw pa rin ito ng charisma.

Lubos na ipinagtataka ni Tori kung bakit ito nakapasok sa subdivision at mas lalo na sa bahay ni Jude gayong kahapon lamang ay hindi ito pinahintulutan. Ayaw naman niyang tanungin ito ng diretso dahil magiging isang bastos ang kakalabasan niya. Besides naniniwala ako sa kasabihan na 'If you want others to treat you well, treat them well too.'

"Salamat," tugon nito kapagkuwan ay kinuha ang basong naglalaman ng tinimpla niyang juice saka ito ininom ng diretso na para bang uhaw na uhaw.

"May gusto ka bang kainin?" tanong niya rito saka ito tinalikuran upang maghanap ng makakain sa fridge. "Sayang lang at hindi mo naabutan si sir Jude. Kakaalis lang nila ilang minuto bago ka dumating."

"You don't need to give me food to eat, Tori. At saka alam ko na nakaalis na sila nung pumasok ako rito sa bahay, in fact I saw them leave," he said nonchalantly na nakapagpahinto sa kaniyang ginagawa.

Bahagyang natigilan si Tori sa paghahanda ng makakain kapagkuwan ay taas kilay na napatingin sa lalaking kasama. Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito.

"Okay? So alam mo naman pala na umalis ang may-ari ng bahay pero pumasok ka pa rin ng walang pasabi, that makes sense," she said suspiciously. Ayaw man niyang maghinala sa kapwa ng basta basta pero ang kinilos ng binata ang nag-uudyok sa kaniya na maramdaman 'yon.

Tori's face crumpled even more when she heard him chuckling as if she said something funny kahit wala naman. Baliw ba ito? Tatawa kahit wala namang nakakatawa?

Napansin na naman ng lalaki ang bahagya niyang pag tahimik dahilan para tumigil na rin ito sa pagtawa. Pinunasan nito ang gilid ng mga mata then gave her an apologetical look.

"Sorry, I just can't help myself to laugh pero hindi naman ikaw ang dahilan. It's just that I realized na lahat ng tao rito sa bahay na ito sarcastic and I'm sure nakuha niyo 'yan kay Jude," paliwanag nito at saka muling natawa.

Napayuko si Tori dahil sa sinabi ng lalaki. Nakaramdam kasi siya ng guilt dahil hindi niya napansin na naging sarcastic na pala ang kaniyang tono sa pakikipag-usap sa lalaki.

"Pasensiya na! Wala naman kasi talaga akong makitang sense sa nangyari kanina. I mean puwede ka naman mag-doorbell. Bakit kailangan mo pang pumasok ng walang paaalam tapos alam mo pa na wala ang may-ari nung bahay na pinasok mo," humihinging paumanhin niya. Binigyan siya ni Kitzel ng isang matamis na ngiti.

"I didn't walk in by force. May basbas ni Wesley ang pagpasok ko. Actually he even left the gate open for me so, you can't file trespassing against me. Isa pa, alam ko na maiiwan ka rito kaya it doesn't make sense kung ang motibo ko ay magnakaw. Besides halos magkapareho lang ang networth namin ni Jude. Ang totoo, ikaw talaga ang pakay ko at alam din 'yon ni Wesley."

Pakiramdam ni Tori ay nasamid siya kahit na hindi naman siya umiinom dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi makapaniwala ng tiningnan niya ito. Confusion plastered all over her face.

"Ako? Bakit naman ako? Wala naman akong utang sa'yo 'di ba?" tanong niya habang nakalagay ang kanang kamay sa kaniyang dibdib.

Muling tumawa ang binata. Kitang kita sa mga mata nito ang pagkaaliw sa kaniyang reaksyon.

"Sa pagkakatanda ko wala naman. Kung meron man? Don't worry hindi na ako maniningil," pabirong anito saka muli na namang tumawa. Humalukipkip si Tori sa harapan ng lalaki.

My Strange Hero: Sweet Escape (PUBLISHED)Where stories live. Discover now