Alpas

13.6K 906 321
                                    

Alpas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alpas

(v) to break free, upang makakawala o makalaya 


Nasasakal,

sa mga tungkuling pilit ipinataw

Nalulunod,

sa walang hanggang kalungkutang umaapaw

Nakakulong,

sa mundong maraming mapanghusga

Tuluyang naging pipi

sapagkat maraming nakaabang na may mga bato sa kanilang kamay

walang awa kang babatuhin sa oras

na hindi ka umayon sa kanilang agos na nilikha.

Nais kong umalpas

sa pagkakakadenang itinali ng lipunan

Nais kong umalpas

at maging malaya

mula sa pang-aalipin ng ating isip,

manipulasyon, panghuhusga, at mga dapat at ganito.

Nais kong umalpas

at lumipad sa alapaap kasama ng mga ibon,

maging totoo at malaya.

Nais kong umalpas...

...gusto mo bang sumama?


***


Author's Note:

Yep. This is a new story. I mustered courage in order to post this one due to the lurking sadness in my heart. I need to write this one.

Alpas will be my breather during my hard times and I hope you could find healing with this adventure.

For those who are secretly fighting their own battles, this is for you.

-Demi

AlpasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon