/28/ Alis Volat Propiis (She Flies with Her Own Wings)

2.2K 239 127
                                    

"No longer ashamed,no longer afraidYou have washed me,white as snowNo longer bound,now I am crownedOnce in darkness,now I knowYou Save"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"No longer ashamed,
no longer afraid
You have washed me,
white as snow
No longer bound,
now I am crowned
Once in darkness,
now I know
You Save"

/28/ Alis Volat Propiis (She Flies with Her Own Wings)

[...]

"THAT'S it? You're letting him go, just like that?" Louella was stunned when she noticed that she's not alone in her house. Kakarating lang niya at pagpasok niya sa loob ng bahay ay boses ng isang babae ang bumungad sa kanya. Nang makapa niya ang switch ng ilaw ay kaagad niya 'yong binuksan. Sa sala ay tumambad sa kanyang paningin ang isang babaeng nakaupo. Ilang segundo bago niya makilala kung sino 'yon.

"P-Professor Diwani?" Hindi niya makapaniwalang ang guro na hindi niya natagpuan noon sa university nang magbalik siya sa oras ay nasa harapan na niya ngayon. She's not wearing her usual teaching outfit, nakasuot ito ng itim na pinatungan din ng itim na coat, animo'y nanggaling sa isang napakalamig na lugar.

"You love Lysander, right? Hindi ba't kaya ka nagbalik ng oras dahil gusto mo siyang makapiling?" Ilang sandali bago napagtanto ni Louella ang misteryo.

Hindi niya sinagot ang mga tanong nito at isang tanong ang ibinalik niya. "You're one of them, aren't you?"

"One of what?" maang-maangan nito habang prente pa ring nakaupo sa sofa. Akala mo'y totoong-totoo itong tao sa anyo nito.

"The little gods," she almost whispered those words. "You came here because you're losing in our bet." Ang pustahan nila noon na hindi magiging kurakot ang puso niya katulad ng ibang mga tao sa mundo.

Tila dumilim ang mukha nito sa kanyang tinuran. Tumayo ito at naglakad sa kanyang kinatatayuan. Louella's certain that she could touch her physically but she could see the real spirits behind her.

Diwani smiled sinisterly and said, "You're indeed a stubborn one."

"Noong una palang ay ako na talaga ang pinupuntirya n'yo, hindi ba?" tanong niya at inalala ang nangyari noon, ang nakita niyang painting at koneksyon nito sa kanya.

"Well, yes," sagot nito at inikutan siya. "We heard your pleas to save you from your misery. You prayed to break free from your sufferings."

"I prayed?"

"Yes. Most humans didn't know that they've been praying all the time, you see? They curse their lives and other people, and they're not aware that their all words are like a prayer. They're just ignorant that those kinds of prayers are for us to answer."

"S-Sino ba talaga kayo?"

"We're a legion."

And an answer sparked in her head. "Fallen angels."

AlpasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon