A/N

1.3K 54 48
                                    

Kita niyo naman, gaano man kahaba ang elimination round, magkikita-kita pa rin tayo sa finals haha! 😂

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa kuwentong ito. Ma-emote man pakinggan pero kayo ang inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagsulat nito. 'Wag po kayo mag-alala, 'di naman po ako naba-badtrip o nape-pressure sa mga nagko-comment ng "next", "next please", "update na" "kailan next update" at iba pa. Good vibes lang po tayo dito at masaya pa nga 'ko kasi alam ko na sinusubaybayan niyo po itong istorya.

Natutuwa rin ako sa tuwing nababasa ko 'yung mga comments/messages na "salamat po sa update" hehe. Simpleng mga salita, pero malaking bagay sa akin para magpatuloy. ❤️

O, wala na 'kong utang sa inyo, ah. 'Yung mga panay request diyan ng mga SPG at bed scene, 'yung iba nagpi-PM pa nga. Lagi niyong sinasabi na tagtuyot tayo sa mga SPG at BS, 'yan na ha, 'di na tayo tigang. Haha! Charot! 😅 Baka naman, dalawang chapter na 'yan. 'Di ko nga lang alam kung malinis o makalat huhu. Kung makalat ay pasensiya na po. Hindi ko talaga masyadong gamay ang mga bs, medyo shy si aku. Hihi.✌️

Sa mga nagre-request po na bitin ang isang chapter ng POV para kay Frank after ko ma-publish 'yung POV ni Maui, ginawa ko na pong dalawa. 'Yun nga lang halos lahat SPG hehe. Masyado na po kasing hahaba kung separate pa 'yung mga SPG na part sa POV ni Frank. 'Yan, explain pa daw ba ako hehe. Me'ron din isang request na kung puwede daw third person sa epilogue. Feeling ko masisira 'yung narration kapag ganoon kasi 1st POV gamit natin all throughout, pasensiya na po.

Nakakatuwa rin kasi may kanya-kanya kayo talagang team haha! Team Frank/Team FrankEnce at Team Maui/Team MauRence. Ang ku-cute niyo, guys! Hehe. Sana nabigyan ko ng hustisya ang bawat team, I mean, kung bakit gano'n 'yung nangyari sa bawat isa. Hehe.

Sa mga nagtatanong po kung magkaka-story si Maui at Sab...chill lang po muna kayo. Hihi. ❤️

Muli ay maraming, maraming salamat especially sa mga nakabasa na ng nauna kong dalawang story at hanggang dito sa pangatlo ay hindi bumibitaw. Sana samahan niyo pa po ako, marami pa tayong kuwentuhan hehe. Sa lahat ng nag-iiwan ng comments, feedback, at mga votes sa istoryang ito, maraming salamat din po sa inyo.

Hanggang sa susunod nating kuwentuhan!

PLGV,
Belle ❤️

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon