ABEL'S POV:
"Astrid!" tawag ko sa kanya ng makita ko siya. Hingal na hingal ako ng huminto ako sa tabi niya. Bakit kasi ang bilis niyang tumakbo.
"A-anong n-nangyari? Nasaan na "yung sinasabi mong aswang? Naabutan mo ba?" sunod-sunod na tanong ko habang hinihingal pa rin.
"Hindi... Hindi ko siya naabutan." sagot niya pero nasa malayo ang tingin.
"Baka naman nagkamali ka lang." sabi ko. " Hindi naman aatake ang mga 'yon nang tanghaling tapat e."
"Baka nga." sagot niya at tumingin sa'kin ng nakangiti. "Tara na bumalik na tayo sa kweba." sabi niya at nauna ng naglakad.
Napabuntong hininga na lang ako, nakalimutan niya yata na kakakasal lang namin. May kakaiba sa kanya, ayaw ko na lang magtanong dahil gusto ko na siya mismo ang magsabi.
'Sino kaya ang nakita niya at ano ang nangyari habang wala pa ako?
"ASTRID? HINTAYIN MO AKO!" sigaw ko at hinabol siya.
~FASTFORWARD~
"Astrid?" tawag ko sa kanya.
"bakit?"
"Dito na lang kaya natin gawin 'yung ano." nahihiya kong saad at di ko naituloy ang dapat na sasabihin ko.
"Ano 'yung ano?" inosenteng niyang tanong.
"Yung ano... 'Yung gano'n." sabi ko at ngumuso.
"Ano 'yung?" tanong niya at ngumuso din. "ano yo'n?" kaya hinalikan ko siya.
*tsup!
"Ganyan." sabi ko na may mapang akit na ngiti. Namula naman bigla ang pisngi niya.
Hahalikan ko na ulit sana siya pero pinigilan niya ako.
"Magagalit si tatang... Wag dito sa bahay tayo." kinikilig na sabi niya sabay tayo at tumakbo kaya hinabol ko naman siya.
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Nagulat kami dahil sa sigaw ng mga taga baryo, nandito kasi sila sa bahay namin.
Nakakatuwa dahil ang daming nakahanda na pagkain na nakahain sa mesa dito sa labas ng bahay. Parang may fiesta. Pinaghandaan talaga nila kami.
"Saan ba kayo nagpunta na mag asawa at bigla na lang kayo nawala kanina?" tanong ni mang Isko.
"Naku, Isko wag ka nang magtanong.. Alam mo na kung anong ginawa nila, di na yata nakapaghintay itong si Abel e.. Hahahaha." singit ni mang este ninong Andoy. Tumawa naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Nakakatuwa naman tingnan na bumabalik na ang sigla nila, sana hindi na 'yan mawala." Mahinang sabi ni Astrid.
"Oo nga.. Sana ganyan na lang sila lagi." pag sang ayon ko.
"Ano pa ang ginagawa niyong dalawa diyan? Halina kayo dito." tawag nila sa amin.
Ang saya ng araw na ito.. Matapos ng puro sakit na nangyari sa amin hindi ko aakalain na mangyayari pa ang araw na ito na magkakasama kami at magkakasiyahan. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ito.
Inabot na kami ng gabi kaya nagsindi na kami ng sulo para lumiwanag ang paligid.
Magkasama nga pala kaming mga lalaki sa isang mesa, nagtatawanan habang nag iinuman, Si ninong Andoy kasi magaling pala magpatawa.
"Abel? Kanina kapa sulyap ng sulyap kay Astrid ah... Mamaya mo na gawin 'yan magpakondisyon ka muna hahaha." Sabi ni ninong Andoy na ikinatawa namin. Para akong nahiya bigla.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.