CHAPTER 5

189 4 0
                                    


ASTRID'S POV:

"Baki—Nasaan si Jacob?"

"Ako dapat ang magtanong sayo niyan.....nasaan ang anak natin?"

Hinalughog namin ang buong bahay pero hindi namin siya makita.

Para akong sinaksak ng kutsilyo sa puso, sobrang sakit. Para akong mababaliw.

Kinuha ko ang baril ko at lalabas na sana ng bahay nang pigilan ako ni Abel.

"Saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko si Jacob, hahanapin ko ang anak natin!" sigaw ko.

I'm so devastated.

"Saan? Saan mo siya hahanapin? Hindi natin alam kung sino ang kumuha sa kanya."

"Kahit saan, kahit suyurin ko pa ang buong Maynila mahanap ko lang siya....and it's obvious Abel, it's obvious na aswang ang kumuha sa kanya dahil bakit siya nawala na hindi natin namamalayan?"

"Pero maha—"

"Hahanapin ko siya at wag mo akong pigilan." putol ko sa kanya.

Kung kailangan na sugurin ko ang lungga ng lahat ng mga aswang gagawin ko makita ko lang ang anak ko.

Siya ang bumuo sa buhay namin ni Abel, kaya kulang na ito kung wala siya.

Pag-sakay ko ng taxi, nagulat ako na sumakay din si Abel dala-dala ang katana niya.

"Sasama ako." saad niya. Napayakap ako sa kanya at kasabay no'n ang pag iyak ko.

Alam ko kung saan maraming aswang kaya sana makahuli kami kahit isa lang para malaman namin kung sino ang kumuha sa anak namin.

"Saan tayo nito pupunta?" tanong niya.

Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Morgue tayo manong." saad ko sa driver ng taxi.

Hindi mabubuhay ang mga sa aswang na walang dugo at 'yon lang ang alam kong lugar kung saan madali silang makakuha ng dugo na hindi nahuhuli.

Ilang minuto lang nakarating agad kami sa pupuntahan namin.

"Maraming tao, ibig sabihin maraming namatay. Siniswerte tayo." saad ko pagpasok namin sa loob ng morgue.

"Sigurado ka ba na may makikita tayong aswang dito?" tanong niya.

"Hindi impossible." sana lang, 'yan din ang hinihiling ko. "Halika sumunod ka sa'kin."

Pumuslit kami para makapasok sa loob, mabuti na lang at hindi kami napansin ng bantay sa labas.

Pinasok namin ang isang pintuan, at kung siniswerte nga naman. Kwarto kung saan binabalsamo ang mga patay ang napasukan namin.

"Abel may paparating." saad ko nang marinig ko ang gumugulong na stretcher na papunta dito.

Nagtago si Abel sa isang malaking container habang ako ay dito sa may likod ng pintuan.

Pagbukas ng pintuan, kumakanta pa itong lalaking may dala ng patay.

"Ang sarap ng amoy ng dugo mo, fresh na fresh. Sayang mas nasarap sana kung buhay ka pa." kausap nito sa patay.

Confirm. Aswang ito.

Suminghot-singhot ito na parang aso. Naaamoy kami nito.

Humarap ito sa likuran niya kung nasaan ako.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon