CHAPTER 25

163 9 0
                                    


Kanina pa ako kabado, mas kinakabahan pa ako dito kaysa makipaglaban sa mga aswang.

Kasi naman first time kung gawin ito tapos sa harap pa ng maraming tao. Iba pa rin pala pag sa personal na. Kapag training palang hindi pa masyadong kabado.

"Ate?" Para akong naginhawaan dahil kay Sheryll, pinuntahan nila ako ni nanay dito sa backstage.

"Sheryll, kanina pa ako kinakabahan." Sumbong ko.

"Relax ate, maglalakad kalang naman sa stage...tsaka nandun lang kami nila nanay at kuya mamaya manunuod sayo." Pagpapalakas niya ng loob ko.

"Oo nga anak... Kaya mo yan, panigurado ako marami ang matutulala dahil diyan sa kagandahan mo." Ani nanay.

Woah! Kaya ko 'to.

"Girls ready na kayo, magsisimula na." Sabi ni Madam. Kaya agad naman kaming naghanda.

Si Sheryll at nanay naman ay lumabas na.

"Astrid?" tawag nito sakin.

"Po?"

"Tandaan mo lahat ng tinuro namin sayo, yung signature look mo dapat hindi yun mawala... at galingan mo dahil ngayon kana gagawa ng sarili mong pangalan at malay mo marami ang mag eendorse sayo pagkatapos ng gabing ito... Panigurado hindi kalang dito sa pilipinas sisikat kundi sa buong mundo." Aniya. Tumango tango nalang ako dahil kinakabahan pa rin ako.

"Siya nga pala, Sa last program kasama mo si Cal dahil siya ang mag eintroduce sayo. Okay?" Sabi nito at umalis na para asikasuhin ang iba.

Relax Astrid kaya mo yan!

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na kami. Grabi yung kaba ko habang naglalakad sa intablado parang hindi ako makahinga sa sobrang dami nang nanunuod.

"Job well done Astrid." Puri sakin ni Madam kaya nagpasalamat ako.

"Congratulation Astrid, and welcome sa A.C company." Sabi naman ni sir Caleeb at nakipagkamay pa.

"Thankyou sir." Sagot ko at tinanggap ang kamay niya.

Nakita ko naman ang mukha ni Alecx na hindi na maipinta. Hinihintay kasi nila ako para makasabay na ako sa kanila pauwi.

"By the way, tomorrow may meeting tayo together with the board members...okay? See you." Sabi pa niya at bigla akong hinalikan sa pisngi tapos ay umalis na.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Napabalik lang ako sa wisyo ko ng marinig ko si Alecx na nagmura.

Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong buhay.

"Wow ate, isang gabi ka palang pinakilala ng A.C pero sikat kana agad... Kahit saan ako tumingin mukha mo ang nakikita ko sa bulletin board." Mangha na sabi ni Sheryll habang tinitingnan ang mukha ko sa mga bulletin board na nadadaan namin.

Hinatid kasi kami ni Alecx papunta sa A.C.

"Sa susunod ate, mukha ko naman ang makikita ng mga tao diyan." Dugtong niya habang nagpapantasya.

"Alam kong mangyayari yan sa tamang panahon.. Magaling ka at maganda ka kaya malas nila  kung hindi nila makita yun."

"Totoo ate? Thankyou the best ate ka talaga." saad niya. Magaling din 'to sa pangbubula e.

"Wag kayo masyadong magpakampanti dun, dahil hindi niyo alam  kung ano ang nangyayari sa loob ng kompanya na yun....Hayst this is so wrong." Singit ni Alecx na nag aalangan pa rin. Ayaw niya talagang pumayag e, pero wala na siyang magagawa dahil ang alam niya nakapirma na ako ng kontrata.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon