"Sa susunod wag kang basta-basta sumusulpot kung saan, dahil baka ikapahamak mo 'yan." payo ni Abel sa kanya. Tapos ay nauna na itong umalis.
Ilang saglit din siyang natahimik. "Ang lupit ng asawa mo, mukhang sanay sa patayan."
"Bakit kasi sumusulpot ka na lang bigla? At saka bakit gising ka pa?" tanong ko.
"Hindi ako makatulog e, by the way saan kayo galing?" balik na tanong nito sa'kin.
"Diyan lang sa tabi-tabi, may pinag-usapan lang kaming importante. Halikana matulog na tayo." Sabi ko at humakbang na paalis pero napatigil ako nang hawakan niya ang kaliwang braso ko.
Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita basta nakatitig lang siya sa'kin.
"Bakit?" kunot noo na tanong ko.
Pero imbis na sagutin niya ako ay ngumisi lang siya nang nakakapangilabot. Kaya napahawak ako nang mahigpit sa katana ko.
Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "Nothing, let's go." sabi niya at iniwanan na ako.
Your such a coward Cal, nagtatago ka sa anyo na 'yan para makuha mo lahat, pero hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto mong mangyari.
Wait and see Cal, sisiguraduhin kong isa lang sa atin ang mabubuhay, at hindi ikaw 'yon.
Pagdating ko nang bahay nakaayos na ang higaan ko, kaya napangiti ako dahil namiss ko ang mga ginagawang 'to ni Abel.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil kinuha niya ang kanyang katana na nakasabit sa dingding.
"Sa labas, magbabantay kami nila Nestor." sagot niya. "Inayos ko na ang higaan mo, matulog kana."
Feeling ko iniiwasan niya ako, ayaw niya yatang makasama ako. Dahil nakaramdam na ako ng pagod at antok minabuti ko na lang na humiga at hiyaan nalang siya.
Kakasikat palang ng araw pero nandito na agad kaming lahat sa labas ng kapilya, nag-aalmusal habang nag-paplano ng mga dapat gawin.
"Nakita niyo ba ang buwan kagabi? Unti unti na itong nagiging pula." saad ni mang Ambit.
"Kaya nga nakakatakot dahil 'yon pa naman ang hinihintay ng mga aswang." sambit naman ni mang Isko.
"Ilang araw na lang tuluyan nang magiging pula ang buwan, kaya dapat maging handa na tayo ngayon pa lang." singit naman ni ninang Babeng.
'"Dahil sa tuwing pumupula ang buwan namimili sila ng mga birhen at ginagawang alay, kaya delikadako para sa mga kababaihan." dugtong pa nito.
Sumulyap ako kay Cal na nasa tabi ko dahil napansin ko na tumaas ang gilid ng labi niya, ngumingisi siya ng patago.
Kinuha ko ang ginawa namin ni Abel na langis kagabi at pinamahagi 'yon sa mga nandito.
"Ninang pakiabot po ito sa iba." Iniabot ko rito ang langis at sinadya kong bukas ang takip nito dahil napagitnaan namin si Cal.
"Ouch!" Sigaw ni Cal ng matapunan siya nito kaya lahat nang nandito ay napating sa kanya. "Don't mind me, napaso lang ako sa kape."
Hinawakan niya ang braso niya na natapunan ng langis, pero bago 'yon nakita ko pa na parang nasunog ito.
"I'm sorry, okay ka lang ba?" inosente kunwari na tanong ko.
"Yeah I'm fine, please excuse me." Sagot niya sabay tayo at umalis.
Nagkatinginan kami ni Abel dahil alam niya kung ano ang ginawa ko.
"Teka, may nakapansin ba sa inyo kung nasaan si Alecx?" tanong ko sa kanilang lahat. Kahapon ko pa kasi ito huling nakita pagkatapos ng usapan namin hindi ko na siya napansin.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.