EPILOGUE

209 10 3
                                    

Hingal na hingal akong bumangon. Panaginip lang pala, isang masamang panaginip.

Nandito na naman ako sa kwartong pinaglagyan nila no'ng una sa'kin. Pilit akong bumabangon pero hindi ko magawa dahil pati ang dalawang kamay ko ngayon ay nakakadena na rin.

~FLASHBACK~

"Where are you going Astrid?" Napalingon ako dahil sa nagsalita. Ang baklang si Brenda.

"Hinahanap mo ba ang pulis na 'yon? Well kahit anong paghahanap ang gawin mo dito, hindi mo siya makikita." saad nito.

"Hayop ka, saan niyo siya dinala!" sigaw ko.

"Don't rush to it honey, magkikita din kayo. Kaya wag ka nang lumaban at sumama ka na lang sa'min kung gusto mo pa siyang makita." asik nito.

"Dalhin niyo na siya." utos niya sa mga kasama niya.

Nagpupumiglas naman ako habang hawak-hawak nila. "Humanda ka sakin kapag nakawala ako, paglalasog-lasugin ko 'yang katawan mo!" bulyaw ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at tumawa ng malakas. "Bwahahahaha. I'm afraid that won't happen, but i'll wait." saad niya. Napatingin ako sa balikat ko dahil naramdaman kong may tumusok na karayom dito.

Ngumisi muna siya bago, nagsalita. "Sige na, dalhin niyo na 'yan. Siguradong matutuwa siya sa sorpresa ng panginoon sa kanya." saad nito. Pilit pa akong nagpupumiglas pero nawalan na ng lakas ang katawan ko at bigla nalang akong nawalan ng malay.

~END OF FLASHBACK~

"Mga demonyo kayo, pakawalan niyo ako dito!" sigaw ko.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. "Hayop kang bakla ka, pakawalan mo ako dito!" sigaw ko sa kanya.

"Papakawalan lang kita diyan kung susundin mo lahat ng sasabihin ko. And by the way hindi ako bakla, sayang nga e natipuhan ka ng panginoon, akin ka sana." kinilabutan ako sa huling sinabi niya.

Lumapit siya at umupo sa kama. "Kung ayaw mong masaktan ang pulis na 'yon at ang dati mong asawa, pati na rin ang mga tao sa baryo niyo, susundin mo lahat ng sasabihin ko."

Naikuyom ko ang kamay ko. Kung laro ang gusto niyo then makikipaglaro ako sa inyo.

"Susundin ko lahat ng gusto niyo at magpapakasal ako sa panginoon niyo kung 'yon ang gusto niyo, basta wag niyo lang silang galawin." saad ko na parang isang bata na napaamo.

"That's right honey, sundin mo lang lahat ng sasabihin ko sayo just like before." saad niya at hinimas-himas pa ang ulo ko. "Kalagan niyo na siya.

Pagkatapos nila akong kalagan dinala na nila ako palabas. Pagdating sa labas napatingin ako sa paligid, dahil ganitong-ganito ang nakita ko sa panaginip ko. The lanterns at ang mga aswang na nandito.

'Wag naman sana magka totoo ang bangungunot na 'yon.

Napatingala ako sa buwan, unti-unti na itong nilalamon ng eclipse. Nabalik ang atensyon ko sa mga aswang nang magsiluhod ang mga ito.

Pati ako ay pilit na pinaluhod at pinayuko ng dalawang lalaki na may hawak sa'kin. Pag angat ko ng tingin  nasa harap na naming lahat si Caleeb.

Para akong nabunutan ng tinik na hindi nagkatotoo ang panaginip ko. But at last one second i was hoping na hindi siya aswang but it's just a false hope.

"Base on your expression mukhang masaya ka pa. Why? Dahil ba ako ang aswang at hindi ang pulis na 'yon?"

"Not bad Astrid, i thought you would never know about my identity. You never failed to amaze me." Hindi ako nagsasalita basta tinitingnan ko lang siya ng masama.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon