CHAPTER 18

192 8 0
                                    

ASTRID'S POV:

"Sheryll anong ginagawa mo?" tanong kay sheryll, kanina ko pa kasi ito nakikita dito sa sala na parang naaasar.

"Wag mo akong isturbuhin ate Astrid dahil naiistress na ako dito sa homework ko." sagot niya.

Tiningnan ko naman ito, baka sakaling may maitulong ako. "Ano ba 'yan?"

"Latin ate, LATIN." diniinan niya ang huling sinabi niya. Sa ilang linggo ko na dito sa kanila umayos naman ang pakikitungo niya sa'kin kaso lang minsan napaka suplada pa rin.

"Gusto mo tulungan kita?" alok ko.

"Marunong ka magbasa ng latin? Paano? Hindi ka nga nakakaintindi ng english e." sarkastikong sabi niya. Sa totoo lang ang sakit niya magsalita pero nasanay na rin ako.

"Oo naman, marunong ako niyan. Turuan kita niyan tapos turuan mo naman ako magbasa ng english." saad ko.

"How can i trust you? E hindi ka nga marunong magbasa ng english, latin pa kaya." usal niya.

Nginitian ko muna siya bago magsalita. " Sa latin kasi ako natuto, tinuruan ako ng kinilala ko bilang ama kung paano magbasa ng latin." kwento ko sa kanya pero mukhang hindi pa rin siya naniniwala.

Latin kasi ang kailangan namin para makagawa ng mga panlaban sa aswang kaya 'yon lang ang natutunan ko.

Dahil sa klase ng buhay namin sa probinsya, hindi mahalaga ang pag aaral. Ang makipaglaban sa mga aswang para mabuhay 'yon ang mahalaga.

"Okay, pero sigurado ka na marunong ka talaga? Pag ako bumagsak, ikaw sisisihin ko ha." paninigurado niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Okay game." sabi niya at binigay sa'kin ang kwaderno niya.

'Madali lang pala.

Sobrang tuwa niya nang matapos ko itong sagutan. Tila namangha siya sa ginawa ko.

"Wow! Ang bilis." tuwang tuwa na sabi niya. "Okay it's my turn now, ikaw naman ang tuturuan ko." dugtong niya.

May sinulat siya sa papel. "Ate ito ang spelling ng pangalan ni kuya Alecx... A-L-E-C-X." binigkas niya pa talaga ang bawat titik.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya, hindi ko naman tinatanong kung paano isulat ang pangalan ni Alecx e.

Lahat ng mga sinulat at sinasabi niya sa'kin ay sinabayan ko na lang dahil gusto ko rin naman matuto.

"Sheryll?" tawag ko sa kanya sa labas ng kwarto niya.

Isang linggo na ang dumaan simula ng turuan niya ako, ang bilis lang ng panahon. Sa loob ng isang linggo na 'yon marami na akong natutunan at napag aralan.

Tuwang tuwa naman si aling Susana at Alecx sa aming dalawa ni Sheryll dahil magkasundo na kami.

"Ate halika." sabi niya at bigla akong hinila papasok ng kwarto niya tapos ay nilock niya ito kaya nagtaka ako.

"Anong meron Sheryll bakit parang tuwang-tuwa ka?" tanong ko.

"Ate look." Sabi niya at may pinakita na isang magazine 'yan daw ang tawag do'n sabi niya.

"Naglabas ng articles ang company ng idol kong si Caleeb Antonio.. Naghahanap sila ng bagong model, kyaahhhhhh!" excited niyang sabi at sumigaw pa pero mahina lang dahil ayaw niyang marinig siya ni aling Susana.

Kahit litong lito ako sa mga sinasabi niya ay sinabayan ko pa rin siya sa paglundag-lundag niya habang nakatawa.

"Ano ba 'yong model?" tanong ko kaya tumigil siya sa paglundag.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon