ASTRID'S POV:
"Astrid anak pwede mo ba ako tulungan magluto? Dadalhan ko kasi ng pagkain si Alecx dahil hindi 'yon kumakain sa labas." saad ni nanay Susana.
"Sige po, Ano po maitutulong ko?" tanong ko sa kanya. Agad naman niyang binigay sa'kin ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto.
Meron siyang pinabalatan, 'yong iba hinugasan ko lang.
"Nay Susana hindi po ba kayo naglalagay ng bawang? Paborito ko po kasi 'yon." nahihiya kong tanong.
"Naku wala. Allergy kasi si Alecx sa bawang... Kaya nga hindi 'yon kumakain sa labas e, dahil natatakot na baka may bawang ang makakain niya." sagot nito.
"Nadala na kasi siya dati no'ng kumain siya sa labas, malalaki pa 'yong bawang na nasa pagkain na naserve sa kanya hindi niya 'yon napansin kaya ayon nakakain siya, kinabahan talaga ako ng sobra no'n dahil ilang linggo siya sa hospital." dagdag nito.
"Ano po ang allergy?" kamot ulo kong tanong.
"Allergy, 'yong pagnakain mo 'yong pagkain na bawal sayo ay nagkakapantal pantal ka o di kaya ay di ka makahinga... 'yon ang allergy. Kagaya ng kinuwento ko sayo ngayon lang." saad niya.
"Talaga po? Meron pa.lang gano'n? A-allergy sa bawang.. Akala ko mga aswang lang ang takot sa bawang." Sabi ko pero pabulong na.lang 'yong huling salita dahil ayaw kong marinig niya ang tungkol sa mga aswang.
"Oo merong gano'n... Ewan ko nga sa batang 'yan, hindi naman siya allergy sa bawang dati e.. Pero simula ng madistino siya sa Zambales ay marami na rin ang nagbago sa kanya.... Pati relihiyon niya pinalitan na, lumipat siya sa pagiging muslim." kwento niya.
"Halika muna dito." Umupo siya sa upuan. "May sasabihin lang ako tungkol sa mga anak ko." aniya.
Umupo ako sa upuan na kaharap niya. "Yan si Sheryll maldita "yan, pero kapag nahuli mo ang kiliti niya sigurado akong magkakasundo kayong dalawa." simula niya.
"Si Alecx naman mabait na bata 'yan, pero ayaw na ayaw niyan na pinapakialaman ang mga gamit niya... At.. Lalong lalo na ayaw niyang may pumapasok sa kwarto niya... Kahit kami ni Sheryll hindi pumapasok do'n kapag walang permiso galing sa kanya, kaya wag kang pumasok do'n na hindi nagpapalam sa kanya ha.. Magagalit talaga 'yon." dugtong niya at saka pinagpatuloy na ang pagluluto.
"Astrid pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Alecx... Nakalimutan ko kasi may importanteng lakad pala ako." pakiusap niya.
"Dadaanan na lang kita dito mamaya ha, sige na bumaba ka na sayang 'yong metro ng taxi umaandar." dugtong niya.
Nang makababa na ako ay binuksan niya ang bintana ng taxi. "Pumasok ka lang diyan, tapos hanapin mo si Alecx... Salamat Astrid." Nakangiti niyang sabi pagkatapos ay umalis na.
Hindi man lang ako nakapagsalita. Bakit kaya gano'n ang kinikilos ni aling Susana, Parang may kakaiba.
Gaya ng bilin niya sa'kin pumasok daw ako at hanapin si Alecx na siyang ginawa ko.
Magtatanong pa lang sana ako sa isang pulis na nandito ng makita ako ni Jason ang kasama ni Alecx.
"Hi Astrid, Ako ba ang pinunta mo dito? Sana tinawagan mo na lang ako para ako nal ang ang pumunta sa inyo." saad nito. Alam kong nagbibiro lang siya pero sinagot ko ito ng seryoso.
"Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito, si Alecx.... Nandiyan ba siya?" Sabi ko na ikinatawa ng mga kasamahan niya dito na nakarinig sa sinabi ko.
"Masakit ba Mariano? Umaasa ka kasi, si Sarhento pala ang pinunta hindi ikaw, hahaha." biro ng isang pulis din.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.