MFB '24 - 'Akala ko ..'

1K 25 5
                                    

Jayvan's POV

She said 'YES' ang saya ko grabe!. Finally were now official. Sa saya ko nayakap ko siya. Yeah! We have pretend relationship pero lahat ng pinapakita at pinaparamdam ko sa kanya lahat 'yun totoo.

I don't know when I started to feel this kind of weird feeling. Para bang isang araw nagising na lang ako hinahanap - hanap ko na siya, my day wouldn't be complete without her. She's Denise De Villa but for me she's my everything.

I know I act a protective one but I'm just concerned. Kanina ng nakita kong kinakausap siya ng bartender when that man ask if with or without alcohol ako na mismo ang nagsabi. Alam ko na wala pa siyang 18 kaya bawal pa siya ng mga ganun pero kahit beyond 18 na siya at hindi ko parin siya papayagang uminom.

Alam mo 'yung feeling na hindi mo mapigilang mapangiti habang tinititigan mo 'yung mukha niya. Titig pa lang 'yan ahh pero napapangiti ka na. Ano pa kaya kung hahawakan na niya ako!? P*tcha mapupunit na ata ang mga labi ko. Tapos parang may kung ano pa na naglalakbay sa sistema ko. Parang may kuryente na ewan. Haay! Kabaklaan pero masaya naman.

Lahat ng nangyayari hindi mo inaasahan. Pero bakit ang daling mawala ng kasiyahan ko. Nang pinalabas 'yung video na kausap ko mga barkada ko!? That was the first day of our deal pero pinagsisihan ko lahat ng iyon.

'Yung pustahan hindi naman 'yun totooo paano 'yun magigibg totoo eeh wala ngang Ferrari yung ugok na 'yun. Pero on a serious note that was nothing. And I don't know paano nagkaroon ng ganoon.

Mas masakit pa ngang makita siyang lumuha kesa sa sampal na binigay niya. Parang may tinik na tumusok sa dibdib ko ng nakita ko siyang lumuha. Wala akong masabi dahil bigla siyang umalis. Ang sakit makita siyang nasasaktan ng ganun.

Wala na akong nagawa kundi unuwu na lang ni hindi ko man lang nagawang pumasok muli at kausapin si Trisha kung bakit niya 'yon nagawa. Walang ano man ang nasa isip ko ngayon kundi si Denise.

Nag-aalala ako sa kanya. Sa araw ng pagsagot niya sa akin ay ito rin ang araw ng paghihiwalay namin. Imagined ilang oras lang naging kami. Mas mahaba pa pala ung pagiging Fake Relationship namin sa official eeh.

Pagpasok ko sa bahay nakasalubong ko ang taong alam kong pwde kong sandalan sa kahit anong problema. She's been my adviser evee since.

"Oh? What happen to you?!" Sge asked.

I hug her tightly then I let my tears fall.

"Ma.." I cried.

"What happen? Are you alright?"

Dinala niya ako sa kwarto ko at doon kami nag-usap. I know she understand me 'cause she always like that.

"Bakit masakit magmahal?"Tanong ko.

"Anak.. they always say that you would know it's love if there is no pain. What happen ba kasi? Can you tell me?"

And there I tell the whole story from the very beginning. From the time we agreed to be in a fake relationship until we became official and we broke up. The whole story sucks pero nakakagaan ng loob na pwede mong ilabas iyon sa taong mapagkakatiwalaan.

"So all this time your just pretending?! Anak you fooled us."

"Ma.. I'm sorry. I just help her. But ma now. I already inlove with her with my true feellings. Ma .. bakit ang dali dali lang.? Bakit biglang nagkahiwalay kami agad!?"

"Anak, I don't know okay? Maybe it's fate. " she hold my hand. "Everything happens for a reason."

Yeah. Maybe! Baka nga hindi kami para sa isa't isa. She deserve someone better. Akala ko magiging masaya na ako. Akala ko kami na talaga. Akala ko she'll be mine not fake but officially. Lahat lang pala akala. Sabi nila madaming namamatay sa maling akala. In my case. Madaming nasasaktan sa maling akala.

Third Person's POV

Nakasandal lamang siya sa motorbike niya habang hinihintay ang babae. Hawak ang helmet sa kaliwang kamay at sigarilyo sa kanang kamay.

Nang makita na niya ang babae agad niyang tinapon sigarilyo at niyakap ang babae.

"Good Job! Sabi ko ng magagawa mo ng maayos!"

"I told you. I can do whatever it is. "

"So.. kamusta naman sila ngayon?!"

"They are both miserable. Perfect match talaga tayo."

"Yeah! And this will not be the last. Let them suffer the pain they gave us. Come on lets celebrate."

Agad namang sumakay sila sa motorbike at pinaharurot ng lalaki ito. Magcecelebrate sila dahil nagawa nila ang planong matagal na nilang gustong gawin. 'Let the game begins' sa isip ng lalaki. Kasama ng babae magsasaya sila ngayong araw.

------
A/N:

Pagpasensyahan po 'yung mga spelling kung meron man. Sorry! Promise mag-eedit ako pagmay time!

Heheh!

Salamat sa comment and votes.

Stay tune for the next Update.ツ

Sorry for slow UD sisihin ang connection de joke! Wala kcng connection ng wifi.. sorry!

My Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now