MFB '27 - It's Time

1.2K 23 4
                                    

Pagpasok ko sa bahay nila ay sinalubong ako ni Ate Janine. Na WOW! Ang ganda niya with her fitted red dress. One word I can decribed her.. she's HOT.

"Oh? Xavier! Napadalaw ka. I bet dadamayan mo ang bestfriend mong G*go. Nakuu!! Please do help him kasi naman. Hindi na lumalabas ng kwarto. He's Miserable." Siya ba talaga toh? Hindi naman ganyan si ate Janine ahh.

"Ahm.. Xavier? " winagayway pa niya yung kamay niya at bumalik ako sa akto. "Are you okay?"

"Ah- heheh sorry poh. Kasi ate Janine ikaw ba talaga 'yan?! I mean you've changed." Sabay turo ko head to foot.

"Ano ka ba!? Ganyan tlaga. Make over hahahah. After the break up now I'm finding someone to hang out. " sabay tingin niyq sa watch niya.

"OMG! I'm late! I gotta go. Byee!"

Wooh! Break up? Nagbreak na sila ng boyfriend niya? Hmmf.

Anyways, Nang nasa pintuan na ako ni Jayvan eeh kumatok na ako. Pinagbuksan niya ang pinto ang Woah!?

"Anyare dito? May buhawing dumaan sa kwarto mo?" Bungad ko sabay upo sa kama niya.

"Tsk."

Haay. Paano ko ba ito papayuhan? Dapat idaan na ito kay Madam Bertud noh?! Anong tingin niyo readers?. Anyways tulala na naman siya haay. Nababaliw na ba ito.

"Bro! Hindi maganda 'yang ginagawa mo. Alam mo bang nag-aalala na sina Tita sayo!? Enjoy your self naman kahit papano."

"Enjoy myself? Huh!? How can I enjoy myself if I know that there is someone hurting and miserable because of me!?. Alam mo ba 'yun hah! kahit walang nanakit sa akin pero makita lang siyang nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa akin P*ny*t* doble 'yun sa nararamdaman ko ngayon.! Ang hirap na! Gusto ko siyang kausapin gusto kong lumuhod at ipaintindi sa kanya na mali ang pinaniniwalaan niya.!"

Ginulo niya ang buhok niya sa inis at umupo sa sahig.

"Haay! Naku! Naiintindihan naman kita kasi nga minahal mo 'yung tao. Pero alam mo ba na imbes nagkukulong at nagmumukmok ka dito eeh humanap ka ng paraan para makausap siya haah!? Anong magagawa ng mga ito para maayos ang problema mo!?"

Tumingin siya sa akin na nanliliit ang mga mata. Singkit na nga diba ano pa kaya nakikita nya dyan.

"Alam mo. Nagtataka na ako sayo. Nung pagbalik mo after 4 years ibang iba ka. Ang seryoso mo nung oras na 'yun. Ni hindi na nga kita nakilala eeh. Sabi ko sa sarili ko baka nagmature ka lang kasi galing kang ibang bansa. Tapos ngayon ilang araw kang hindi nagparamdam babalik ka kasama ng maloko mong ugali. Sinapian ka ba ng multong kano do'n!?."

Akala ko seryoso na. 'Yun pala may kalokohan sa huli. Kaya ayun nakaranas ng batok.  Hahah.. buti nga.

"Hindi ako sinapian. Ul*l! Hindi pa kasi ako nakakamove. Alam mo na kay Clarisse andito parin siya.." sabay turo sa puso ko. Tinignan ko siya pero parang wala lang 'yung mga sinabi ko. Hindi ba siya nagiguilty?! Sila ang may gawa nun. Eto na naman. Move on muna.

"Ang swerte talaga niya sayo. Kung nasaan man siya ngayon. Masaya siya na mahal mo parin siya.N--"

"Awat na ang drama na natin. Laro na lang tay--Hoy! Saan ka pupunta!?"sigaw ko ng makita ko siyang pupunta sa may pintuan.

"Pupuntahan ko si Denise. Hihingi ako ng tawad." Tumayo ako at hinablot siya papasok.

"Sa itsura mong 'yan?! Ganyan ka hihingi ng tawad?! Huh!? Sigurado akong pagtayabuyan ka non."

"Eeh! Ikaw na mismo nagsabi na humingi ako ng tawad imbes na andito ako walang ginagawa!!"

"Wait! Chill. Magpapogi ka muna ng konti. Bago mo siya puntahan magpakasaya ka muna. Refresh your mind. Para naman maaliwalas ang aura mo."

My Fake BoyfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum