MFB '42 - Change of Plan

882 20 7
                                    

THIRD PERSON POV

"Akala niyo makakatakas kayo!?!!"

Lahat ay napalingon sa kaniya. Lahat ay natigilan. Kahit si Lance na nasa tagong lugar nagmamasid. Ngunit nanatili paring tulog at walang malay si Denise.

Pumunta sa harapan si James tinago niya sa likod niya si Denise na natutulog. At hinarap si Janine.

"Ako naman ang kailangan mo diba!? Bakit kailangan mo pang idamay ang kapatid ko!!? Wala siyang kasalanan pero pinapahirapan mo!!" Sigaw ni James.

"Wow! Just wow! Nakakatouch naman na pinagtatanggol mo ang kapatid mo!.. bakit kailangan mo pang itanong sa akin 'yan? Dapat alam mo na 'yan! Dahil sa kagaguhan na ginawa mo sa akin.! At bakit ang kapatid mo?... hmmm.. simply because doble ang sakit na mararamdaman mo kapag siya na ang nasa panganib..!!" Sagot ni Janine.

Napailing na lang si James. Inaamin niyang mahal na mahal niya ito pero sadyang hindi ito nakinig sa kanya hanggang sa naghiwalay sila.

Lumapit siya kay Janine. Napalunok si Janine. Lalo na ng hawakan ni James ang balikat niya.

"Bakit mo kailangang gawin ito?.. ako na lang sana.. wag lang si Denise.. wag lang ang pamilya ko.. please.. hindi na ikaw 'yung Janine na nakilala at minahal ko... na mahal ko pa rin.." Janine sttifened whem she heard those words. Nagsitaasan ang mga buhok niya sa balikat.

Nanlambot 'yung puso niya. Pero sa isip niya. Niloloko lang siya nito. Hindi totoo ang mga sinasabi nito.

Tinulak niya ito palayo ng buong lakas.

"Tigilan mo nga 'yang drama mo! Hindi na ako magpapakatanga para sayo! ! Nandito ka naman din bakit hindi ko pa ituloy ang nasimulan na diba!?" Ngumisi si Janine.

Nilibot niya ang tingin niya. Nakita niya si Elis, si Denise na natutulog sa upuan at ang hindi niya inaasahang makita.. ang kapatid niya... si Jayvan. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata.

"J-jayvan.." bulong niya.

"Bakit ka nandito??" Tanong niya.

"So eto pala 'yung pinagkakaabalahan mo? Ate.. nagawa mo talaga ito? ... Alam mo ba kung ano ang mararamdaman nina Mama at Papa kapag nalaman nila ito? Ate.. hindi na ikaw 'yan! Tama naah!!"

Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito. Naguguluhan siya pero nandito na susuko pa ba siya? Magmumukha na naman siyang kawawa? Hindi na..

"Jayvan wag ka na lang makialam! Ok! Umalis ka na dito!"

"No!! Ayoko! Ikaw ate.. tama na! Pwd ba! --"

"Shut up!! Tumahimik ka! Itutuloy ko ito! Walang makapipigil sa akin."

"Tama na Janine!!!" Nagulat ang lahat ng marinig nila ang isang sigaw. Ngunit mas ikinagulat nila ng makita ang mukha nito.

"L-lance??..." bulong ni James.

Naguguluhan si James kung bakit naroon ang kanyang pinsan. Ngunit si Elis ay nanatiling nakatitig alam niyang may kinalaman ito.

"So.. andyan ka lang pala. Akala ko tumakas ka na.." asar ni Janine.

"May kinalaman ka dito Lance?" Tanong ni James.

"James.. I'm sorry. Alam ko kasalanan ko pero patawarin mo ko. Na-nagsisisi na ako.."

"B-bakit mo ito nagawa..??"

"D-dahil siya 'yung pamamanahin ni Lola.. Ako? Wala.. alam mo namang pangarap ko iyon..--"

"At nagawa mo ito kay Denise?? Anong klase kang pinsan?? "

"James.. I'm sorry.. babawi ako.. pangako.." Nagtiim bagang si James at nasuntok ang pinsan.

My Fake BoyfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ