MFB '29 - I'm Sorry..

1.1K 29 1
                                    

AIRA POV

Nakuu! Buti na lang talaga noh tanggap ng magulang ko amg maagang pagbubuntis ko. Though syempre hindi naman maiaalis ang pagsisi pero kahit ganun. Aalagaan at mamahalin ko parin ang anak ko.

Ang iniisip ko ngayon is paano ko sasabihin kay Aaron. Actually, wala nga akong alam kung anong meron sa aming dalawa. After kasi nung birthday ni Trisha dun lang kami naging close at nagtuloy-tuloy na.

Habang nag-iisip ako ay biglang tumunog 'yung cellphone ko.

From: ** Aaron
Nasan ka? Sa bahay niyo?

So, sa ilang araw niyang hindi nagparamdam babalik magtetxt siya ng ganyan lang.? Pero okay na 'yun diba at least he cares.

Me:

Oo.. bakit?

Sana naman at magpakita na siya para naman masabi ko na sa kanya. 1 month and 2 weeks na 'yung tiyan ko pero hindi pa niya alam. Ilang minuto lang ay tumunog ulit.

From: **Aaron

Pupunta ako.

Haay. Naku! Tama nga naman sinabi niya noh!? Tinanong niya kasi pupunta siya. Eeh bakit naman siya pupunta?! NAKUU!! Kung pupunta siya syempre hindi ko na papalampasin. Sasabihin ko na.

Me :

Ok. Ingat ツ

Umakyat agad ako sa kwarto ko at inayos ang sarili ko. Pero hindi pa rin maialis sa akin 'yung kabang nararamdaman ko. Syempre iisipin mo kung ano ang magiging reaksyon niya. Tatanggapin niya ba o hindi?.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Palakad lakad ang ginawa ko sa may sala namin. Nanlalamig kasi ang mga kaway ko at pinagpapawisan ako. Naku! Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya.. No hindi pwde.

Habang ginagawa ko pa rin 'yon ang ay may nagdoorbell sa may gate namin. Baka siya na 'yan. I sigh deeply to calm myself. It's now or never. Aja!

Binuksan ko ang gate pagkarating ko at bumungad sa akin ang napakagwapong lalaking nakashades ang hottie lang. Gwapo pa siya kay Edward Cullen nung nagshade siya ahahah.

"Hi" bati niya. Ngumiti siya na nagpaplambot ng tuhod ko. Ano ba itong nararamdaman ko. May sakit ba ako at ganito ang nangyayari sa mga organs ko?

"Hello.. Pasok ka." Pag-anyaya ko. Dinala ko siya sa may kusina namin at umupo siya sa may stool sa tapat ng mini bar namin.

Naku! Sasabihin ko na bahala na si Captain America kung ako ang reaksyon niya. Magtratrabaho ako para makatulong kina Mama at tustusan 'yung anak ko.

"Ahm.. Aaron may sasabihin ako. Pero 'wag kang mabibigla ahh." Panimula ko. Napakagat na lang ako ng labi. Jusmiyo! Mahihimatay ata ako sa kaba nito.

"Ah. Sige makikinig ako. " sabi niya habang kumakain ng Pizzang dala niya. Siya 'yung may dala tapos siya ang kumakain. Bait noh!?

"Kasi.. Buntis ako.. ikaw 'yung ama." Napacross fingers ako at siya ayun naibuga ang kinakain niya.

"A-ano?! Seryoso? "Eto na nga bang sinasabi ko hindi niya tatanggapin.

"Kung hindi mo tanggap okay lang. Kaya ko namang palakihin 'yung magiging anak natin I mean anak ko." Sabi ko. Naluluha ako. Baby tayo na lang talaga. Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Aira. Hindi naman sa ganun eeh. Ano kasi. Pinacheck upan mo ba 'yan? Baka naman hindi ako 'yung ama niyan I mean ganun na nga." Dahil sa sinabi niya hinarap ko siya.

My Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now