MFB '39 - Damn Worried

852 20 0
                                    

THIRD PERSON POV

Halos hindi na mapakali lahat ng mga tao sa bahay ng mga De Villa. Lahat ay alalang -alala. Exactly 7 o'clock na ng gabi ngunit wala pa rin may alam kung nasaan si Denise.

Pinuno ang bahay ng mgq Pulis, NBI pati ang mga kaibigan ay naroroon din. Walang may alam kung bakit ito nangyayari maliban kay Jayvan na alam na ito na nga ang nangyayari. Pinagmasdan lamang niya ang mga taong hindi magkaugaga sa pag tawag sa mga posibleng puntahan ng dalaga.

Alam ng binata na ito na siguro ang sinasabi sa kanya ni Elis. Ngunit ramdam niya ang pagsisisi na hindi man lang niya nabantayan ang dalaga. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Elis na uuwi ito. Gusto man niyang sabihin sa mga magulang ng dalaga tungkol sa sinabi ni Elis ay may pumipigil rin naman sa kanya.

Hihintayin lamang niya ang araw na dumating si Elis. Upang sabihin ang totoo. Kinakain na siya ng pag-aalala. Ang babaeng kanyang unang natipuhan. Ang babaeng unang nagpagulo sa kanyang isip. Inamin niyang may nararamdaman na siya sa dalaga ngunit ang pagkakataon naman na naibigay sa kanya ay nasayang lang.

Hindi mawari ang kabang nararamdaman niya. Sino ba namang ang hindi mag-aalala kung wala man lang silang kaideideya kung nasaan ang dalaga. Ni wala man din tumawag sa kanila. Narinig niya muli ang hagulgol ng ina ng dalaga na labis nagpakirot sa kanyang puso.

Wala man lang siyang magawa upang mailigtas ang dalaga. Wala siyang magawa kundi maupo, tumayo at maglakad ng pabalik balik. Halos hindi na niya mabilang kung ilang beses niya ito ginawa.

Nakita niyang papalapit ang kanyang ina sa kanya.

"Kumain ka na. Wala ka pang kain kanina." Sabi nito.

"I'm okay, ma. Mamaya na lang." Sagot nito at muling napayuko.

"Jayv.. I know your worried and so do I but we all don't know how to find her. Son, you should eat paano kung mahanap na natin siya pero ikaw naman itong magkakasakit dahil hindi pa kumakain.."

"Yeah.. you're right." Sabi nito at kinuha ang pagkain sa kamay ng ina.

Ilang minuto ang lumipas ng may dumating na kotse. Lumabas amg lahat at nakita ang kotse na ginamit ni Denise kanina. Lumapit ang Kuya James nito na akala ng lahat ay nandoon ang dalaga.

Ngunit lahat ay nanghinayang ng makitang mag-isang lunabas ang driver nito. Nanghinayang ang lahat.

"Sir.. bigla na lang po kasi akong nakaramdam ng palo sa ulo ko. Nauna po akong pumasok kay Ma'am sa kotse pagkatapos naming ilagay ang mga naipamili namin. Ngunit paggising ko po ay gabi na at wala po si Ma'am.. Sir nagabihan po ako dahil hinanap ko pa si Ma'am sa loob ngunit hindi ko na po siya nakita. Sir... pasensya na po. Patawarin niyo po ako sa pagpapabaya ko. Hindi ko po iyon sinasadya... Ma'am ... sir.. patawarin niyo po ako.." ani ng Driver.

Napasuntok sa pader ang kuya nito at ang ina naman ay mas lalong humagulgol at yumakap sa asawa nitong nagtitiis ng galit. Sumasakit lahat ng puso nila. Ang Lola nito ay tahimik lang ngunit sa loob loob nito ay labis ang hinagpis dahil sa nangyari sa apo.

"Diyos ko.. pakiusap.. gabayan niyo ang apo ko. Please.. guide her.." bulong nito.

Wala silang magawa. Ang mga pulis ay kinakausap ang driver. Ngunit nagulat si Jayvan ng nakita niya lumabas si James sumunod siya dito at narinig na may kausap sa telepono.

"God! Ako naman ang may kasalanan diba!? Bakit pati kapatid ko idadamay mo!! Wag mo siyamg sasaktan sinasabi ko sayo!!."

Nagtaka siya. 'May alam si Kuya James?'isip niya. Patuloy siyang nakinig. Hanggang sa manigas siya ng marinig niya ang isang pangalang hindi niya inakala.

"Fvck!! Please! Ako na lang.. I can bear to lose a sister again. Please n-nagmamakaawa ako sayo.. please not her... not my baby.. Please!---w-wait! Janine!!"

Mas dumurog ang puso niya ng makitang nagpupunas ng luha si James.

"Si a-ate?"bulog niya.

---------
Rush UD po ito.
May free time naman ako kaya nag-UD na lang.

Comment and Vote please :**

My Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now