MFB '41 - Still Cousins

892 21 0
                                    

Dedicated to babycurio

Nainspired dao siya sa story na ito. XDD

THIRD PERSON POV

Nahimatay si Denise dahil sa gutom at pagod na kanyang nararamdaman. Sa kabilang banda naman ay napadaan si Lance sa lugar ng dalaga. Kitang kita ang pawis sa buong mukha at katawan nito. Ang maputlang labi niya at ang namamagang mga mata. Nakakaawang tignan itong nakabaluktot na hirap na nakaupong tulog sa isang upuan.

"I'm sorry.. couz." Bulong ng binata sa sarili at inayos ang pagkakaupo ng dalaga. Nilipat niya ito sa may dingding kung saan pwdeng isandal ang ulo nito.

Habang tinititigan ni Lance ang mukha ng kanyang pinsan ay naalala niya ang lahat. No'ng mga bata pa sila. Nagtutulungan, masayang naglalaro. Hindi mapaghiwalay. Pero napagtanto niyang bakit niya ito ginagawa.? Bakit napunta sa ganito ang lahat?

Tumulo ang luha sa kanyang mata at hindi nakapagpigil ay nasuntok niya ang pader hanggang sa dumugo ang kanyang kamao. Nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Nabulag siya sa galit. Biglang lumitaw sa kanyang isipan ang unang pagkikita nila ni Janine.

FLASHBACK.
Lance's POV

Binuhos ko lahat ng galit ko sa pag-inom ng alak na nasa harapan ko. Sa halos sampung taong na paghihirap magawa lang ng tama ang lahat para maging masaya sila. Lahat pala ng iyon mauuwi sa wala.

Halos mabasag ang baso sa higpit ng pagkakahawak ko doon. Hindi mawala ang galit at... sakit na nararamdaman ko ngayon.

"One more of this." Sabi ko sa bartender.

"Sir.. you have drunk many of that earlier. .. I think you should go home now.." sabi niya. Aba't tar@nt@do ito ahh.

"What do you care! You bas*@rd!! If I say give me!  Give me! Shut your f**king mouth!!" Sigaw ko sa kanya. Bwiset na foreigner ito. Ako ang nagbabayad kaya sumunod siya. P**a**a niya.

Ininom ko agad ang isang baso. Pero paramg kulang pa kaya naman naulit at naulit pa iyon hindi ako madaling malasing dahil this is my stress reliever tinuruan sa akin ito ni Papa. But this is only the first time na madami akong nainom. Hanggang sa may kumalabit sa akin.

"Hey! You drunk to much. !" Sabi niya. Paglingon ko isang babaeng nakablack fitted dress. Kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.

"Tsk. What do you care? And who ate you to talk to me?" I said.

"Oh! I'am Janine! Now you already know me. So stop drinking that alcohol!" Singhal niya. Umupo siya sa stool na katabi ko sa counter.

"What do you care!?"

"Problem noh? I'am a Filipina. And so do you, right?.. share it to ne come on." Sabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso. Sa kanya ko pa talaga sasabihin.

"Oh.. don't be shy.. mqybe I can help you with that."

Wala akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya ang kwento. Dahil kung ikikimkim ko lang iyon sa palagay ko ay sabog na ako.

"I can help you.. I have a plan.. are you in? Maybe were on the same track." Hindi ko pa nakuha ang gusto niyang sabihin no'n pero nang ipinqliwanag niya ito ay agad kong nakuha. Sa galit ay sumang-ayon ako sa kanya. Tama ba itong gagawin namin?

END OF FLASHBACK.

Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Denise at ng pamilya nito pero kahit ano pa man ang mangyari ay papanig siya sa nakakabuti.

Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si James ang nakakatandang kapatid ni Denise.

"I know where she is."

"A-are you serious, Lance? Tell me right away please." Ramdam niya ang pag-aalala at pagsusumamo sa boses ni James. Napangiti siya ng mapait.

"I'll send you the address. And I'm sorry .." and then the line went off.

Tinext niya ang address ng gusali kung saan sila naroon. Hindi niya maitago ang pagsisisi. Pero alam niya sa sarili niya na kaya niya itong harapin kahit ano pa man.

Kinausap niya ang mga bantay at binayaran na. At sinabing tapos na ang kanilang trabaho. Hindi eto ang tunay nilang plano ngunit may natitira pang kabutihan sa kanyang puso ay inayos na niya habang maaga pa. Umalis na ang mga bantay.

Hinintay niyang makarating si James sa gusali. At para na rin may kasama ang natutulog na dalaga. Nang marinig niya ang paparating na sasakyan ay nagtago siya. Hindi pa niya handang harapin ang katotohanan sa ngayon. Pero handa siyang pagbayaran ang pagkakamaling iyon sa tamang panahon.

Nakita niya ang pagpasok ni James sa gusali at may kasamang dalawa pa. Nagulat siya ng makitang isa doon si Elis. Dahil ang pagkakaalam niya ay nasa Amerika ito. Nang makita nila ang nakagapos na si Denise ay agad itong niyakap ang kapatid. Ngunit ang isang lalaking kasama ay nanatiling nakatitig sa dalaga. Nang matanggal nila ang tali ay natigilan silang lahat pati siya ay natigilan din .

"Akala niyo makakatakas kayo!?!!"

————–————————
Sorry ngayon lang ang UD alams na busy dahil schooldays.:)
Kindly read my other story please kung bet niyo lang naman. K.dots.
Entitled 'Our Happy Ever After...!?'

Vote and comment.:**

My Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now